Darren Espanto posts video of him at Cassy Legaspi's house; tells her, "always gotchu"

by Rachelle Siazon
Jan 7, 2022
Cassy Legaspi and Darren Espanto
In his Instagram post, Darren Espanto shows some of his favorite moments with Cassy Legaspi. The Kapamilya singer also made an effort to make the Kapuso actress feel special on her 21st birthday.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram

Mas bukas na si Darren Espanto na ipakita sa publiko na madalas silang nagkakasama ni Cassy Legaspi kahit pa magkaiba sila ng TV network.

Sa kanyang Instagram post kahapon, January 6, 2022, ibinahagi ni Darren ang ilang litrato nila ni Cassy, na nagdiwang ng ika-21 kaarawan nito.

Nag-post din si Darren ng picture kasama ang kaibigang si Mavy Legaspi, ang fraternal twin ni Cassy.

Pero mas marami siyang ipinakitang kulitan nila ni Cassy.

May isang video na tila inaasar ni Darren si Cassy habang ka-video call ito.

Meron din silang selfie video kunsaan makikitang nasa bahay ng mga Legaspi si Darren.

Gumagawa sila ng wacky pose sa camera, habang nasa di kalayuan ang kapatid ni Cassy na si Mavy.

May litrato rin si Darren kasama si Cassy sa loob ng van at sa pamamasyal nila noon sa isang art exhibit.

Kalakip ng pictures at videos ay ang birthday message ni Darren para sa twins na tinawag niyang "Two of the most genuine people I’ve ever met."

Continue reading below ↓

Sinabi rito ni Darren na anim na taon na silang magkabarkada ni Mavy, na ngayon ay "designated driver" daw nila ni Cassy.

"To my brother Maverick, a.k.a. Derek Zoolander, feels like that dance prod we did as 15 year olds was just yesterday and now you’re turning 21.

"Thank you for being our designated driver, always…dejk lang.

"Thank you for being someone I can always count on. Always here for ya."

Sa mensahe niya kay Cassy, ipinaabot ni Darren na ito ang nakaakaalam ng highs and lows sa buhay niya.

"To Cass, a.k.a. Jisoo (pagbibigyan kita kasi birthday mo naman), A HUGE thank you! You’ve been with me through my highs and lows and it takes a lot to deal with a Darren Espanto.

"Continue to be the badass that you are! You’re one of the strongest women I’ve ever met and you never fail to impress us.

"You’re always there for your friends and family but I wish you’d set aside some time for yourself as well, ok?

Continue reading below ↓

"I’ve always got your back!"

Dagdag na mensahe ni Darren para sa magkapatid: "I'm happy that the things you guys only dreamt of doing before are all coming true and this is only the beginning!

"I wish y’all nothing but success and happiness always. Love you both!!!"

DARREN ORGANIZES A ZOOM PARTY

Nag-organisa rin si Darren ng Zoom party para kina Cassy at Mavy.

Inimbitahan niya ang lahat ng kanilang mga kaibigan.

Nakakuha ang CassRen fans ng kopya ng mga litrato na ibinahagi ng @teamcassren sa Instagram.

Cassy Legaspi and Darren Espanto

Continue reading below ↓

Sabi ni Darren, "Hirap pala maging coordinator...

"Yung nasa zoom na lahat ng guests, tapos yung mga celebrants ayaw sumagot ng tawag para pumasok sa zoom."

Darren Espanto, Cassy Legaspi

CASSY THANKS DARREN

Ni-repost ito ni Cassy na nagpasalamat sa effort ni Darren.

Sabi ni Cassy, "thank you for the cake and setting up the zoom call last night!! [yellow heart] @darrenespanto"

Continue reading below ↓

Cassy Legaspi and Darren Espanto

Pinusuan din ni Cassy ng yellow heart ang cute photo nila ni Darren.

Ang yellow heart emoji ay simbolo ni Cassy, habang green heart naman ang kay Darren.

Halatang extra special si Cassy para kay Darren dahil nagsuot pa si Darren ng yellow top sa Zoom party nila.

Cassy Legaspi and Darren Espanto

Continue reading below ↓

CLOSER THAN EVER

Matagal nang hinihinala ng CassRen fans na nagkakamabutihan sina Cassy at Darren.

Minsan nang sinabi ni Cassy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "very special" sila ni Darren sa isa't isa.

Bukas din sa pagsasabi si Darren ng pagiging malapit nila ni Cassy.

Sa tuwing natatanong sila sa real score sa pagitan nila, consistent ang dalawa sa pagsasabing alam nila na showbiz career ang prayoridad nila sa ngayon.

Pero madalas na makitang magkasama ang dalawa tulad na lamang nang magpunta sila sa Pampanga at noong bumisita si Darren sa bahay ni Cassy noong Halloween.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his Instagram post, Darren Espanto shows some of his favorite moments with Cassy Legaspi. The Kapamilya singer also made an effort to make the Kapuso actress feel special on her 21st birthday.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results