Piolo Pascual on Bohol pics with Shaina Magdayao: “What you see is what you get.”

by Bernie V. Franco
Jan 7, 2022
piolo pascual shaina magdayao
Piolo Pascual reacts to photos of him getting cozy with Shaina Magdayao that circulated online in October 2021.
PHOTO/S: Instagram / CTTO

Nagsalita si Piolo Pascual, 44, kaugnay ng mga kumalat na sweet photos nila ni Shaina Magdayao, 32, noong October 2021.

Kuha umano ang mga larawan sa isang resort sa Bohol.

Kitang-kita ang public display of affection nina Piolo at Shaina gaya ng yakapan, holding hands, at nakahiga pa sila sa isa’t isa.

Sa mga kuhang larawan ay makikitang kasama rin nila ang real-life couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

“I think things got a little out of hand because of some photos that went around,” bungad ni Piolo bilang reaksiyon sa mga kumalat na larawan nila ni Shaina.

Ayaw na rin daw niyang pahabain ang tungkol sa tanong kung ano ang real score sa kanila ng aktres.

Wala rin daw bago at gusto na lang niyang hayaang mamatay ang isyu.

Sabi ni Piolo, “It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it.

“Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing.

Continue reading below ↓

“I guess, for now, wala… yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that.”

piolo pascual shaina magdayao photo

Sinagot ni Piolo ang isyu sa panayam ni MJ Felipe para sa TV Patrol nitong January 6, 2021.

WHAT'S THE REAL SCORE?

Matagal nang palaisipan kung ano talaga ang real score kina Piolo at Shaina sa nakalipas na mga taon.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, hindi makapagbigay ng tiyak na sagot ang dalawa dahil hindi pareho ang kanilang naging pahayag noon.

February 2017, sinabi ni Piolo sa PEP interview na exclusively dating sila ni Shaina.

Sa hiwalay na interview naman kay Shaina, kinumpirma niyang “very present” sa buhay niya si Piolo at nagkikita sila nang madalas.

Pero nilinaw ng aktres na walang commitment sa pagitan nila ni Piolo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual reacts to photos of him getting cozy with Shaina Magdayao that circulated online in October 2021.
PHOTO/S: Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results