Kris Aquino still not in the best of health but will continue to help others

by Arniel C. Serato
Jan 12, 2022
Kris Aquino shares update on her health
Kris Aquino: "Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram

Nagbigay ng panibagong pahayag si Kris Aquino ukol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, January 12, 2022, ikinuwento ni Kris na malayo pa sa recovery phase ang kanyang kalusugan pero kailangan niyang kumilos pa rin para tumulong sa kapwa.

Hindi raw kasi sila iniwan ng mga taong nais nilang tulungan ngayon, noong mga panahong sila naman ang nangangailangan.

Ito rin daw ay para sa paggunita sa nalalapit na kaarawan ng namayapa niyang ina, si dating Pangulong Corazon Aquino.

Pahayag ni Kris, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance.

Continue reading below ↓

“Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko.”

Hiniling naman niyang huwag banatan ng netizens ang kanyang nurse, maging ang kanyang doktor, dahil sa hindi nila paggamit ng gloves sa videos na kalakip ng kanyang post.

Ani Kris, “Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.”

“HINDI AKO SUSUKO”

Alam daw ni Kris na mahaba pa ang laban niya upang maibalik ang dating sigla dulot ng hiwalayan nila ng fiancé na si Mel Sarmiento.

Pero wala raw sa bukabularyo niya ang pagiging mahina lalo na at may dalawang umaasa sa kanya—ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Continue reading below ↓

Lahad ni Kris, “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart…

“BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them.

“Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”

Sa iba pang larawang ibinahagi niya, makikita rito ang ilang bouquet of flowers, pagkain, at iba pang mga bagay-bagay.

Pero hindi na niya pinangalanan kung kanino galing ang mga ito.

Ani Kris, “P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more i am refraining from any gratitude posts.

“To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me.

“At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.)”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino: "Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results