Jose Sarasola admits breakup with Maria Ozawa: "Ang hirap lang talaga ng LDR."

by Arniel C. Serato
Jan 13, 2022
Jose Sarasola, Maria Ozawa breakup
Actor-chef Jose Sarasola on relationship with Maria Ozawa: “To be honest, wala na kami. It’s been difficult, e, it’s been very hard. LDR is very hard. We never expect this to be difficult."
PHOTO/S: Courtesy: @chefjosesarasola on Instagram

Hiwalay na sina Jose Sarasola at Maria Ozawa.

Inamin ito mismo ng Kapuso actor-chef sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes ng umaga, January 13, 2022.

Ayon kay Jose, “mutual decision” ito dahil hindi na nila kaya pa ang long-distance relationship (LDR).

Pag-amin ni Jose sa PEP.ph: “To be honest, wala na kami. It’s been difficult, e, it’s been very hard.

"LDR is very hard. We never expect this to be difficult. We tried, ha."

Umalis ng Pilipinas si Maria noong kasisimula pa lamang ng COVID-19 pandemic, at umuwi sa kanilang bansa sa Japan.

Si Jose naman ay nanatili rito sa Pilipinas.

Ayon kay Jose, gaya ng nakararami, ang akala nila noon ay mabilis magagapi ang COVID at babalik sa normal ang lahat. Pero hindi nila inakalang magtatagal ito hanggang ngayon.

Dahil Japanese national si Maria, kailangan din nitong sumunod sa travel guidelines na ipinatutupad ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Saad ni Jose, “She left knowing na baka after three months baka mawala eventually, little did we know na naging global pandemic na siya.

“Up to now, she never came back. Nahihirapan talaga siya kasi sa mga rules ng mga foreigners coming back.

“But we tried, we're still in contact every day, we call each other, update each other.

"But as time went by, it just took a heavy toll on the both of us, e. Nahirapan kaming dalawa.

“Medyo hard na to continue the relationship, parang it’s hard when your partner is not here.”

READ Maria Ozawa still likes Filipino guys despite bad experience with TNVS driver

Jose Sarasola, Maria Ozawa breakup

Continue reading below ↓

“STILL FRIENDS”

Maglilimang taon na sana ang relasyon nina Jose at Maria sa darating na Pebrero.

Pero nitong Disyembre 2021 ay nagdesisyon silang wakasan na ang kanilang relasyon.

Kuwento ni Jose, “So, last December, we had a talk. We mutually agreed to part ways.

“Pero wala naman kaming pinag-awayan, big fight, third party. Wala naman talagang away.

"It’s, like, ang hirap lang talaga ng LDR. We didn’t expect na ganito kahirap talaga.”

Ang maganda lang daw sa breakup nina Jose at Maria ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan.

“Pero ang kagandahan naman diyan, we’re still friends. And okay naman kami,” banggit pa ni Jose.

Napagkasunduan daw nilang mas ikabubuti ng bawat isa kung maghiwalay na lamang ng landas.

Abala kasi si Maria sa kanyang resto-bar business sa Tokyo pati na sa YouTube channel nito.

Gayundin si Jose sa kanyang mga raket, endorsement, at restaurant business.

Bihira na rin daw silang nagkakausap at nagkukumustahan nitong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

Ani Jose, “We both agreed na it’s the best for us now that we both go our separate ways.”

CAREER AND BUSINESS

Abala naman ngayon si Jose sa cooking show nila ni Iya Villania na Eat Well, Live Well, Stay Well na sponsored ng isang Japanese multinational food and biotechnology corporation.

Nagsimula nang umere ang unang episode ng kanilang Season 3 nitong nakarang Biyernes, January 7.

Jose Sarasola, Iya Villania show

Continue reading below ↓

Thankful din si Jose na pinagkatiwalaan siya ng isang malaking appliance company na maging endorser ng kanilang mga produkto.

Samantala, pagdating naman sa kanyang restaurant na Avenue 75 Sportsbar sa may BF Homes, Parañaque, medyo nalungkot nang kaunti si Jose dahil sa pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Naapektuhan kasi ang kanyang negosyo dahil sa maraming restrictions ng gobyerno sa movement ng mga tao.

Saad niya, “Medyo nakabawi kami kami September, October, November, December, medyo nakabawi kami kahit papa'no.

“Pero ngayon, this January, nung nag-start yung Omicron, na nag-surge na naman, medyo humina naman.

“Medyo humina kami kasi siguro nga takot yung mga taong lumabas and medyo ilang sila uminom sa mga places. Pero I guarantee naman sa mga guests na all my staff are vaccinated tsaka naka-booster na.

“Plus, they always follow yung proper sanitation sa buong bar.”

Bumabawi na lamang daw sila sa mga food delivery sa ngayon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-chef Jose Sarasola on relationship with Maria Ozawa: “To be honest, wala na kami. It’s been difficult, e, it’s been very hard. LDR is very hard. We never expect this to be difficult."
PHOTO/S: Courtesy: @chefjosesarasola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results