Nadine Lustre finally posts photo of rumored French boyfriend on Instagram

by Rachelle Siazon
Jan 13, 2022
Nadine Lustre French boyfriend
Jowa reveal? Nadine Lustre and French entrepreneur Christophe Bariou are now "Instagram official" after the actress posted what appears to be a couple photo on her social media account.
PHOTO/S: Ulysses Lustre Facebook / @nadine Instagram

Sa unang pagkakataon, si Nadine Lustre na ang nagbahagi ng couple photo nila ng hinihinalang French boyfriend niyang si Christophe Bariou.

Kahapon, January 12, 2022, ipinost ni Nadine ang litrato sa kanyang Instagram account.

Kinunan niya ng litrato ang dalawang instant camera printed photos kunsaan pareho silang may hawak na wine glass.

Makikitang masayang nagtinginan sila sa unang litrato, at sa ikalawang litrato ay nakapikit si Nadine habang nakadikit ang kanyang mukha sa bandang lips ni Christophe.

Isang top hat emoji ang tanging caption ng post ni Nadine.

Nadine Lustre

Continue reading below ↓

Isang heart emoji ang iniwang komento ng kaibigan ni Nadine na si Yassi Pressman.

"Shoutout to the 999+ crew," dagdag ni Yassi.

PREVIOUS SIGHTINGS

Anim na buwan na mula nang unang mapansin ng netizens ang ugnayan nina Nadine at Christophe.

Si Christophe ay natukoy na isang resort owner sa Siargao kunsaan madalas na makitang nagbabakasyon si Nadine.

Hindi man nagpo-post si Nadine, hindi rin naman siya umiwas sa mga mataong lugar sa Siargao kapag siya ay nagpi-picnic sa tabing-dagat o kumakain sa restaurant kasama si Christophe.

Noong September 2021, naiulat na nagpa-register si Nadine bilang botante sa Siargao.

Nadine Lustre Comelec Siargao

Continue reading below ↓

Sinamahan pa siya ni Christophe sa opisina ng Commission on Elections sa Barangay General Luna sa Siargao.

Nadine Lustre with French boyfriend

Noon namang October 2021 ay namataan sila ni Christophe na namili sa isang mall sa Makati City.

NADINE INTRODUCES CHRISTOPHE TO DAD

Buwan din ng October 2021 nang makalap ng fans ni Nadine ang litrato kunsaan ipinakilala ng aktres si Christophe sa kanyang amang si Ulysses Lustre.

Continue reading below ↓

Nag-post sa Facebook si Ulysses ng litrato kasama sina Nadine at Christophe na may caption na, "Nice to meet you."

Hanggang sa dinala na rin ni Nadine ang kanyang mga magulang para magbakasyon sa Siargao noong November 2021.

Si Ulysses muli ang nagbahagi ng family photo nila ni Nadine via Facebook account nito.

Nadine Lustre, boyfriend Christophe Bariou, Ulysses Lustre, Myraquel Paguia-Lustre

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jowa reveal? Nadine Lustre and French entrepreneur Christophe Bariou are now "Instagram official" after the actress posted what appears to be a couple photo on her social media account.
PHOTO/S: Ulysses Lustre Facebook / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results