Engagement ring falls in the bushes in “epic” surprise proposal

by Bernie V. Franco
Jan 14, 2022
jelyn lachica
A proposal gone wrong: Luer Edward Giraban surprised girlfriend Jelyn Lachica with a marriage proposal. He ended up just as surprised when a jerky Jelyn hit his hand, sending the engagement ring flying into the bushes.
PHOTO/S: Facebook (Jelyn Lachica)

Nang sinurprise ni Luer Edward Giraban ang girlfriend na si Jelyn Lachica ng marriage proposal, tinawag ito ni Jelyn na "epic"!

Epic nga ang mga nangyari. Sa sobrang gulat ni Jelyn, nahampas niya ang kamay ng nobyo kaya't tumalsik ang engagement ring sa halamanan.

Hindi inasahan ng magkasintahan na magiging ganito ang kanilang moment, na ipinakita ni Jelyn sa isang video sa Facebook nitong January 5, 2022.

Noong January 1, ipinagdiwang nina Jelyn at Luer ang kanilang fourth anniversary sa Boracay kasama ang ilang kaibigan.

Nagpi-picture-taking lamang sila sa terrace ng tinutuluyang resort.

Mga kaibigan nila ang kumukuha ng video at photos.

Sa isang punto, mag-iiba dapat ng pose ang magkasintahan nang biglang inilabas ni Luer ang singsing, tapos ay lumuhod sa harap ng girlfriend.

Sa gulat ni Jelyn, di sinasadyang nahampas niya kamay ng nobyo na may hawak na singsing.

Lumipad ang singsing sa mayabong na halamanan sa gilid ng terrace.

Continue reading below ↓

jelyn lachica

jelyn lachica

Continue reading below ↓

Agad naman nilang sinubukang hanapin.

Caption ni Jelyn (published as is): “Share ko lang kung gano ka EPIC ung proposal ni Luer panoorin nyo na lang [laughing emoji] grabe sobrang nabigla ako sa nangyari.”

Pag-amin ni Jelyn, “Grabe pala talaga yung pakiramdam, sobrang saya sa puso, maiiyak ka talaga pero dahil epic nga ayun naudlot [laughing emoji]”

Bilang pagtatapos: “PS I SAID YES NAMAN AT NAKUHA ANG SING SING”

Sa comments section, masipag na sinagot ni Jelyn ang mga kaibigang bumati sa kanya.

Nagkuwento rin siya tungkol sa mga pangyayari.

Sabi niya (published as is): “hampas lang sana kaso tinamaan pala ung singsing, ambilis ng pangyayari sis d ko dn alam bkt ganyan ngyari hahahha”

jelyn lachica

Continue reading below ↓

Ayon sa isa pang comment ni Jelyn, hindi naging madali ang pagkuha ng singsing mula sa makapal na halamanan.

jelyn lachica

Pero ganoon pa man, nakatadhana raw matuloy ang proposal.

Komento ni Jelyn: “buti di dumiretso sa pinakailalim, kaya para sakin talaga siya”

jelyn lachica

Continue reading below ↓

Sa huli, happy ending pa rin para kina Jelyn at Luer ang pangyayaring talaga namang unforgettable na surprise wedding proposal.

jelyn lachica

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A proposal gone wrong: Luer Edward Giraban surprised girlfriend Jelyn Lachica with a marriage proposal. He ended up just as surprised when a jerky Jelyn hit his hand, sending the engagement ring flying into the bushes.
PHOTO/S: Facebook (Jelyn Lachica)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results