Lotlot de Leon responds to critic slamming her for skipping family reunion at mom Nora Aunor’s house

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2022
lotlot de leon
Lotlot de Leon to Noranian who castigated her for not showing up when her siblings visited their mom Nora Aunor: “Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?"
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon on Intagram / John Rendez

Hindi nakapagpigil si Lotlot de Leon na sagutin ang isang netizen matapos siyang kastiguhin nito sa hindi pagbisita sa inang si Nora Aunor.

Nitong January 8, 2022, nagkaroon ng post-Christmas and New Year celebration sa bahay ng Superstar nang sorpresa siyang dalawin ng mga anak na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.

Tanging si Lotlot lamang ang kulang sa mga anak ni Ate Guy sa family gathering.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may matagal nang tampuhan sa pagitan nina Lotlot at Nora.

This week, nag-post si Lotlot ng kanyang larawan sa Instagram.

Caption niya, “Hakuna Matata,” na ang ibig sabihin ay walang problema.

Sa comments section, nagpakawala ng maaanghang na salita ang isang netizen, na halatang Noranian.

Sinermunan nito si Lotlot dahil bukod tanging ito lang daw sa mga anak ni Nora ang hindi sumipot noong weekend.

“Matigas talaga puso noh?” bungad ng kritiko ni Lotlot.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa netizen, sobra raw tinitiis ni Lotlot ang ina. Sana raw ay hindi gawin kay Lotlot ng kanyang mga anak ang ginagawa nito kay Nora.

Masasakit pang salita ang ibinato ng Noranian kay Lotlot, gaya ng pagpapaalala ditong ampon ito.

Sabi ng netizen (published as is): “Siguro kung dk nya inampo wala k sa kalagayan mo ngayon.

“Nkita naming lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingn mo sa kanya pangas?”

Sabi pa nito kay Lotlot: “D ko gusto ugali mo.”

Matapang itong sinagot ni Lotlot, pero hindi siya nagpakawala ng masasakit na salita.

Mahinahong sagot ng aktres (published as is): “ay! Ang puso mo hinay hinay po..

“Pero teka Baka kulang pa po sasabihin nyo?

“Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?

“Okay.. noted po! Noted na noted po!”

lotlot de leon

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol naman si Lotlot ng kanyang supporters, kabilang na si Myria Dufresne, kapatid ng aktres sa kanyang biological father na si Donald Lee Olson.

Bahagi ng komento ng kapatid ni Lotlot: “You don’t know her on a personal level, so don’t be rude!

“You have no idea what goes on in the family, so please keep your nasty grams to yourself!

“My sister has a very loving heart and she deserves nothing but the best!”

Pinasalamatan naman ni Lotlot ang kapatid.

lotlot de leon

Continue reading below ↓

Si Lotlot at adopted daughter ni Nora at ng dati niyang asawa na si Christopher de Leon.

Biologocal son naman nina Nora at Christopher si Ian de leon.

Adopted children din ng Superstar sina Matet, Kenneth, at Kiko.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon to Noranian who castigated her for not showing up when her siblings visited their mom Nora Aunor: “Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?"
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon on Intagram / John Rendez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results