Heart Evangelista to netizen asking why she doesn’t have a kid yet: "Chill. Not your uterus."

by Arniel C. Serato
Jan 14, 2022
heart evangelista on not having a kid
Heart Evangelista to netizen who asks why she is still childless after seven years of marriage: "I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it, then why are you even?"
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram / Heart Evangelista on TikTok

Binara ni Heart Evangelista ang isang netizen na nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang anak ng asawang si Chiz Escudero.

Sa Pebrero ay magpipitong taon nang kasal ang Kapuso star at ang Sorsogon governor, pero hindi pa sila nagkakaanak. Bagamat may dalawa nang anak si Chiz sa una nitong asawang si Christine Flores.

Sa kanyang TikTok account kahapon, January 13, 2022, ibinahagi ni Heart ang screenshot ng tanong ng isang netizen sa kanya.

Mababasa rito: “bat di kayo magka-anak?”

Unang sagot ni Heart dito ay caption na “Kulit ha.”

Sa mga sumunod niyang sagot ay halatang irita na si Heart sa paulit-ulit na tanong na ito sa kanya, pero maayos pa rin ang kanyang mga salitang ginamit.

Sabi ng aktres: "Ayoko eh. Didn't anyone teach you manners?

“I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it then why are you even?"

Nakasulat naman sa isa pang text caption niya: “Chill. Not your uterus."

Continue reading below ↓

Heart Evangelista answers netizen about not having a child yet

Dagdag pa ng star at endorser, “Being a mom Shouldn't be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own life?”

Heart Evangelista answers netizen about not having a child yet

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na sumagot si Heart sa paulit-ulit na tanong tungkol sa hindi niya pagkakaroon ng anak.

May isa pa ngang netizen na tinawag siyang “baog.”

Buong komento ng netizen sa honeymoon vlog ni Heart sa YouTube: “Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak.”

Matapang na sagot ni Heart: “Ulol—the only word you can understand.”

Noong 2018, nagbuntis na si Heart sa kambal na panganay sana nila ng asawang si Chiz, ngunit sa kasamaang palad ay nakunan siya.

Sa kasamaang palad, marami ang hindi nakakaintinding wala sa lugar ang panghihimasok sa napaka-personal na desisyon ng pagkakaroon o hindi ng anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista to netizen who asks why she is still childless after seven years of marriage: "I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it, then why are you even?"
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram / Heart Evangelista on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results