Francine Diaz: "Wala po akong boyfriend."

by Rachelle Siazon
Jan 16, 2022
Francine Diaz, Jake Ejercito
Sa YouTube vlog ni Francine Diaz, biniro siya ni Jake Ejercito na nagdududa ito kung sino ang mystery video caller ng aktres. Depensa ni Francine, "Kasi maraming nag-a-assume na itong tatlong heart na ito ay boyfriend ko, pero si Ashley ito."
PHOTO/S: @francinesdiaz Instagram / Francine Diaz YouTube

Nilinaw ng Kapamilya actress na si Francine Diaz, 17, na siya ay single at wala pang kasintahan.

Inihayag niya ito sa kanyang YouTube vlog kunsaan celebrity guest niya si Jake Ejercito, 31.

Naglaro sila ng "show me your phone" challenge kunsaan inusisa nila ang mga laman ng phone at social media ng isa't isa.

Nang mapunta ang usapan kung sino ang huling naka-video call nila, ipinakita ni Francine na three heart emojis ang naka-save na pangalan ng huling taong naka-video call niya.

Ang best friend daw niya iyon na si Ashley Diaz.

"Si Ashley. Tatlong hearts iyan pero si Ashley iyan. Gusto niyo tawagan ko?

"Kasi maraming nag-a-assume na itong tatlong heart na ito ay boyfriend ko, pero si Ashley ito.

"Kailangan ko lang ng pruweba," saad ni Francine.

JAKE EJERCITO TEASES FRANCINE DIAZ

Sinubukan ni Francine na tawagan si Ashley para patunayan kung sino ang three hearts emoji sa kanyang phone contacts.

Continue reading below ↓

Pero walang sumasagot sa kabilang linya.

Pangungumbinsi pa ni Francine, "Basta si Ashley ito. Di lang siya sumasagot. Si Ashley ito, guys, promise."

Kunwa'y ayaw maniwala ni Jake sa kanya.

"Bakit di siya sumasagot?" nagdududang tanong ni Jake.

Sagot ni Francine, "Baka may class."

Ang isa pang kasama nila sa pag-shoot ng vlog ay humirit na baka may usapan na sila na huwag sagutin ang tawag niya.

"Wala kaming code. Promise si Ashley ito."

Hirit ulit ni Jake, "Parang di ako naniniwala."

Depensa ni Francine, "Di ko mapakita convo kasi medyo delicates, e."

Biro ni Jake, "quote unquote" Ashley raw ang ka-video call na iyon ni Francine.

NO BOYFRIEND

Sa puntong ito ay nilinaw ni Francine na wala siyang karelasyon.

"Si Ashley po. Wala po akong boyfriend," giit niya.

"Naku, naku, naku!" nagdududang sabi uli ni Jake.

Pero nanindigan si Francine na wala siyang nobyo.

Ulit ng dalaga, "Wala po. I'm a single lady."

Continue reading below ↓

Noong pang huling bahagi ng 2021 na-shoot ang vlog ni Francine kasama si Jake. Ang manager ni Francine na si John Ling ay family friend daw ng aktor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa YouTube vlog ni Francine Diaz, biniro siya ni Jake Ejercito na nagdududa ito kung sino ang mystery video caller ng aktres. Depensa ni Francine, "Kasi maraming nag-a-assume na itong tatlong heart na ito ay boyfriend ko, pero si Ashley ito."
PHOTO/S: @francinesdiaz Instagram / Francine Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results