Zaijian Jaranilla admits breakup with non-showbiz girlfriend

by Julianne Borje
Jan 16, 2022
Zaijian Jaranilla and girlfriend Dian Anes
Broken Marriage Vow actor Zaijian Jaranilla says he's no longer in a relationship with non-showbiz girlfriend Dian Añes.
PHOTO/S: @zaigj Instagram

Hindi inaasahan ang pag-amin ni Zaijian Jaranilla na siya ay kasalukuyang single.

Si Zaijian ay dating child star na bumida sa hit Kapamilya prime-time series na May Bukas Pa noong February 2009 to February 2010.

Siya ay 20 years old na ngayon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zaijan sa virtual mediacon ng Broken Marriage Vow nitong nakaraang Huwebes, Enero 13, 2022.

Ang Broken Marriage Vow ay remake ng BBC One series na Doctor Foster, na sumikat din sa Korean remake na World Of The Married. Tinalakay rito ang pagkakaroon ng ibang babae ang mister ng isang doktora.

Nang tanungin kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa cheating at kung paano mananatiling tapat sa isang relasyon, hindi nakasagot agad si Zaijian.

Napahinto at napangiti ang aktor saka sinabing, “Paano ko ba sasagutin iyan?”

Matapos ang matagal na pagbuwelo, inamin ni Zaijan na siya ay wala nang karelasyon.

"Actually, wala na. Hindi na ako in a relationship," pahayag niya.

Continue reading below ↓

Halos wala pa raw isang buwan mula noong sila ay naghiwalay ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Dian Añes.

Tumanggi si Zaijian na magbigay ng detalye nang subukan pa siyang usisain tungkol sa breakup nila ng kanyang nobya.

former SOURCE OF INSPIRATION

Noong February 20, 2021 huling nag-post si Zaijian ng couple photo nila ng Dian.

Sabi niya sa caption noon, "Dati mag isa lang akong nangangarap. Pero ngayon may kasama na ako. Kasama na kita."

Zaijian Jaranilla

Continue reading below ↓

Sa panayan ng Magandang Buhay noong 2020, unang inihayag ng binatang aktor na siya ay may karelasyon.

One year at one month na raw silang magkasintahan noon.

"Nakakatulong po siya sa akin. Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw... kapag gumigising ako tapos alam ko na may nagmamahal sa akin," sabi pa ni Zaijan noon.

Maraming proyekto si Zaijian na dapat abangan ng mga Kapamilya.

ZAIJIAN'S TV PROJECTS

Sa ngayon, trabaho ang focus ni Zaijian.

Mapapanood siya bilang Gio Ilustre kasama nina Jodi Sta. Maria (Jill Ilustre) at Zanjoe Marudo (David Ilustre) sa The Broken Marriage Vow, na eere simula January 24, 2022.

Siya rin ang gaganap sa isang iconic role bilang Ding sa Darna, kunsaan bida si Jane de Leon, kasama sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broken Marriage Vow actor Zaijian Jaranilla says he's no longer in a relationship with non-showbiz girlfriend Dian Añes.
PHOTO/S: @zaigj Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results