Sean de Guzman on breakup with non-showbiz girlfriend: "Single nang dahil kay AJ."

by Rachelle Siazon
Jan 18, 2022
Sean de Guzman AJ Raval
Sean de Guzman to AJ Raval: "Di ba, nakipag-break siya sa akin nagsyu-shoot tayo ng vlog? Naalala mo sa office..."
PHOTO/S: Screengrab from Hugas / @seandgman Instagram / PEP Live

Humirit si Sean de Guzman na ang leading lady niyang si AJ Raval ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang dating non-showbiz girlfriend.

Sa PEP Live noong Enero 13, 2022, diretsahang inamin ni Sean na ang matitinding love scenes nila ni AJ sa mga pelikula ay nakaapekto sa kanyang relasyon.

Nagkatambal sila sa dalawang pelikula, ang Nerisa at Taya, noong 2021. Muli silang bumida sa online movie na Hugas ngayong Enero 2022.

Sabi ni Sean sa kanyang relationship status ngayon, "Single nang dahil kay AJ. Joke lang."

Sabay nilinaw niyang "actually, totoo" na may kinalaman si AJ.

Paliwanag ni Sean, "Nag-break kami ng ex-girlfriend ko. Yung sinasabi niyang reason kung bakit kami nag-break, parang napagod daw siya umintindi.

"Kasi siyempre yung work ko, iba yung field niya, iba yung field ko.

"Parang di raw niya kaya nakikita niya ako na may kahalikan, kasiping."

Nauwi ang di nila pagkakaunawaan sa hiwalayan.

Continue reading below ↓

"Pinapaliwanag ko naman sa kanya na work lang yun.

"Wala, ganun pa rin kinalabasan. Di pa rin niya naintindihan," dagdag ni Sean.

AJ WITNESSED SEAN'S BREAKUP

Si Sean na rin ang nagsabing si AJ mismo ay alam ang nangyayari sa kanyang love life.

"Saksing buhay iyan si AJ, o," sabi ni Sean sa PEP.ph.

Magkasama raw sina Sean at AJ nang mangyari iyon.

Kuwento ni AJ, "Dun nakipag-break sa kanya yung girlfriend niya.

"Sabi ko sa kanya, 'Okay lang iyan, Huwag mo isipin. Di ka mahal niyan.'

"Nakatulong naman sa kanya."

Segunda ni Sean, "Di ba, nakipag-break siya sa akin nagsyu-shoot tayo ng vlog? Naalala mo sa office..."

Ayon kay AJ, noong nagsisimula pa lang sila magtrabaho ni Sean ay nakita niya kung paano ito bilang kasintahan.

"Meron siyang girlfriend nung nag-start kami magkasama. Ako talaga nangungulit, 'Patingin! Patingin!'

"Curious ako kung paano sila magmahalan. Nakita ko naman. Ano naman si Sean, mahal niya dati yung girlfriend niya. Dati," diin ni AJ.

Continue reading below ↓

MOVING FORWARD

Natawa na lang si Sean dahil nalampasan na raw niya ang hiwalayan nila ng non-showbiz girlfriend.

"Okay na ako," paniniguro pa niya.

May bago na bang prospect si Sean?

Sagot ng aktor, "Sa ngayon, siguro may nakakausap. Pero walang label. Wala pa sa point na ganun."

Noong August 5, 2021, sa PEP Live unang umamin si AJ tungkol sa breakup nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.

Sa mediacon ng Taya noon ding buwang iyon, sinabi ni AJ na may kinalaman si Sean sa breakup nila ni Axel.

Isang malaking dahilan ng di nila pagkakaunaawan ni Axel ay ang daring roles ng dalaga sa pelikula. Pinili ni AJ na bigyang prayoridad ang karera kaysa love life.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman to AJ Raval: "Di ba, nakipag-break siya sa akin nagsyu-shoot tayo ng vlog? Naalala mo sa office..."
PHOTO/S: Screengrab from Hugas / @seandgman Instagram / PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results