Bea Alonzo recalls going from loveless to being in love with Dominic Roque

by Rachelle Siazon
Jan 18, 2022
Bea Alonzo Dominic Roque
Two years and three months since their unforgettable Japan trip (left), Bea Alonzo and Dominic Roque's love for each other has only grown stronger. Seen in the right is a snapshot of them spending New Year's Eve at a beach resort in Zambales.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque (inset)

Hindi inaasahan ni Bea Alonzo na mauuwi sa pag-iibigan ang pagiging magkaibigan nila ni Dominic Roque.

Sa kanyang Instagram Reel kahapon, January 17, 2022, napa-throwback si Bea ng ilang litrato nila ni Dominic na kuha sa Tokyo, Japan noong October 2019.

Makikitang nagpakuha sila ng picture sa tapat ng isang blankong frame na dinagdagdan ni Bea ng salitang "LOVELESS" para ipuntong wala pa silang espesyal na ugnayan noon ni Dominic.

Sinundan niya iyon ng kahawig na picture kunsaan tinanggal niya ang salitang "LOVELESS" para ipahiwatig na loveless no more na sila ni Dominic.

May ipinakita rin si Bea na litrato nila ni Dominic na kuha naman sa teamLab Borderless museum sa Tokyo. Magkalapit sila habang nakatingin sa camera setup ni Dominic.

Caption ni Bea sa kanyang post, "When you least expect it."

Noong January 14, 2022, una nang nag-throwback si Dominic ng short video ng Japan trip nila ni Bea.

Continue reading below ↓

Makikita roong maraming candid shots si Bea na kuha ni Dominic sa iba-ibang lugar na pinasyalan nila sa Tokyo.

Kasama nila ang travel buddy ni Bea at Star Magic handler na si Nina Ferrer. Naka-bonding din nila sa Tokyo ang magkasintahang Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Sa comments section, nag-post si Bea ng mensahe kay Dominic: "Can't wait to do this again with you."

THE UNEXPECTED JAPAN TRIP

Bagamat matagal nang magkakilala, ang bakasyon nila ni Bea sa Japan noong October 2019 ang tila simula ng kanilang love story.

Sa vlog nina Gabbi at Khalil noong September 2021, ikinuwento ni Dominic na wala siyang kabalak-balak pumunta ng Tokyo noong 2019.

Nauna pa siyang imbitahan nina Khalil at Gabbi na mag-Halloween sa Japan kasama ng mga ito, pero nag-pass si Dominic.

Ang plano niya ay yayain sana si Bea sa beach, pero nalaman niyang naka-book na ang aktres ng bakasyon sa Tokyo.

Continue reading below ↓

Agad daw nagsabi si Dominic kay Bea na sasama ito.

Sobrang biglaan daw ang pagsama ni Dominic kina Bea na ang kasama talagang magbakasyon ay si Nina.

Nag-enjoy raw talaga sila lalo pa't sobrang spontaneous ng mga napili nilang lugar na puntahan.

Dugtong ni Dominic tungkol sa kanila ni Bea, "So, the rest is history."

GOING PUBLIC

February 2020 nang unang mapansin ng fans ang napapadalas na pagkikita nina Dominic at Bea.

Hininalang may espesyal na ugnayan ang dalawa lalo pa't pati sa family gathering ng pamilya ni Bea ay dumalo rin si Dominic.

Sa mga sumunod na buwan ay consistent ang unti-unting pagkakamabutihan ng dalawa.

October 2020 nang umamin si Bea na mayroon siyang dine-date exclusively.

February 2021 nang maiulat ang romantic getaway ng dalawa sa Amanpulo.

Hanggang sa noong July 2021, nang magbakasyon sila sa U.S., unti-unting isinapubliko ng dalawa ang sweet photos nila.

Sa 24 Oras noong August 2021, kinumpirma ni Bea na nobyo niya si Dominic.

Continue reading below ↓

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), idinetalye ni Bea na masugid siyang niligawan ni Dominic pati na rin ang kanyang pamilya.

Nitong December 2022, magkasamang nagdiwang ng Pasko ang pamilya nila sa rest house ni Bea sa Zambales.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two years and three months since their unforgettable Japan trip (left), Bea Alonzo and Dominic Roque's love for each other has only grown stronger. Seen in the right is a snapshot of them spending New Year's Eve at a beach resort in Zambales.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results