Watch Now

Lotlot de Leon not ashamed of being adopted; Ian de Leon stands by his sister "in everything"

by Bernie V. Franco
Jan 18, 2022
lotlot de leon
Ian de Leon on the status of their family: "Maayos naman po kaming lahat, at walang pamilya sa mundo ang walang pinagdadaanang mga gusot sa buhay." Ian was urged by a Noranian to mediate in fixing the relationship of his sister Lotlot de Leon and mom Nora Aunor.
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon on Instagram

Naglabas ng saloobin si Lotlot de Leon tungkol sa kanyang pagiging ampon.

Si Lotlot ay adopted daughter ng dating mag-asawang sina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Ampon din nina Nora at Christopher sina Matet, Kenneth, at Kiko de Leon.

Biological son naman ng dating showbiz couple si Ian de Leon.

Ayon kay Lotlot, hindi niya ikinahihiyang adopted siya pero idiniin nitong tao pa rin siyang nasasaktan.

Buod ng post ni Lotlot sa kanyang Facebook at Instagram accounts nitong Lunes, January 17, 2022: ang mga ampon ay may mga karapatang pantao pa rin.

Caption ng aktres: “So let’s just put this out here already!

“Yes I am adopted and yes I am also human!

“I am not a commodity, I am my own person who have feelings too.”

Sabi ni Lotlot, thankful siya sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay “because those are what molded me to be who I am today!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong niya: “For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!  

“Continue to live your life because this is [100] percent yours! Love those who truly love you!”

Hindi ipinaliwanag ni Lotlot kung ano ang hugot niya tungkol sa kanyang post tungkol sa pagiging ampon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero recently, sinagot ni Lotlot ang isang Noranian tungkol sa hindi nito pagsama sa mga kapatid na bumisita sa kanilang inang si Nora.

Si Lotlot ang tanging wala sa mga anak ni Nora.

Banat ng Noranian, kung hindi raw inampon si Lotlot ni Nora ay baka wala ito sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Pagkakaalam ng marami ay may matagal nang tampuhan sina Nora at Lotlot.

IAN'S WORDS OF ENCOURAGEMENT FOR LOTLOT

Samantala, sumagot naman si Ian sa post ni Lotlot tungkol sa pagiging ampon.

Malaman ang mensahe ni Ian para sa nakatatandang kapatid. Malinaw na may patama ang aktor sa mga taong mababa ang tingin sa mga ampon.

Bahagi ng mensahe ni Ian: “Always remember, what they say or do is a reflection of their own personalities, and that shouldn’t dictate what our state of being should be like.

“Let us not allow external influences take control or change what and who we all are, because no one knows us and our stories but ourselves..”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Ian, mananatili siya sa tabi ni Lotlot sa anumang laban.

Aniya, “It is only us that have control and power to what we truly should be.

“I love you so much te! I will stand by you in everything.”

lotlot de leon

Isang Noranian ang sumagot at nakiusap kay Ian na maging tulay para magkaayos sina Nora at Lotlot at sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng Noranian: “you can do something na ayusin lahat. . May edad na si AG [Ate Guy] sana THIS TIME MAGING SOLID KAYO!!! PRAYING FOR YOUR FAMILY.”

Sumagot si Ian. Nilinaw nito ang sitwasyon nilang pamilya.

Sabi ng aktor, hindi sila perpekto pero "maayos" silang lahat. Tila nais tumbukin ni Ian na gaya rin sila ng isang normal na pamilya.

Ani Ian (published as is), “fyi ma ayos naman po kaming lahat, at walang pamilya sa mundo ang walang pinagdadaanang mga gusot sa buhay.

“MAHAL NAMIN ANG ISA’t ISA, yes LAHAT kami.

“At hindinding hindi mag babago yan kahit baliktarin mo ang mundo.

“Pinag tagpo kami ng panginoon dahil may magandang dahilan sya, hindi lng sa amin, tayong lahat.”

Pakiusap pa ni Ian sa fan na maging mapang-unawa na lang.

Hirit pa ni Ian, ang "chismis" at panghihimasok ng ibang tao ang nagiging dahilan kung bakit lalong nagkakalamat ang relasyon nila bilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Ian (published as is), “Pairalin na lng natin ang pangungunawa at pg mamahal.

“Sa totoo lng po, mga chismis, at ibang tao lng talaga ang sumisira sa amin, hindi ang samahan namin sa isa’t isa.

“In God’s perfect time, everything will fall in place. Salamat sa prayers nyo!”

lotlot de leon

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian de Leon on the status of their family: "Maayos naman po kaming lahat, at walang pamilya sa mundo ang walang pinagdadaanang mga gusot sa buhay." Ian was urged by a Noranian to mediate in fixing the relationship of his sister Lotlot de Leon and mom Nora Aunor.
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results