Inihayag ni Morissette Amon na hindi muna nila priority ni Dave Lamar ang magpakasal kahit isang taon na silang engaged.
Si Morissette ay nakilala mula nang lumahok siya sa Kapamilya reality talent show na The Voice Philippines Season 1 noong 2013. Tinagurian siyang Asia's Phoenix dahil sa talento niya sa pagkanta.
Si Dave Lamar ay kasabayan ni Morissette sa The Voice, at kabilang sila sa Team Sarah, ang grupo ng contestants kunsaan coach si Sarah Geronimo.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Morissette sa mediacon nitong Miyerkules, Enero 19, 2022.
Para ito sa Phoenix, ang kanyang 10th anniversary online concert na gaganapin sa January 23 at 24.
Nang tanungin kung ano ang paghahanda niya para sa kanilang kasal, sinabi ni Morissette na nagkasundo sila ni Dave na aayusin muna ang kanyang showbiz commitments.
Abala pa kasi si Morissette sa online concert, sa pag-promote ng Morissette Signature extended play album, at iba pang proyekto.
"Ang hirap din i-prioritize lang at the moment, kasi I’m also just really grateful because my fiancé is also the one that’s really helping me a lot in my career.
"So, especially with content—itong nakikita niyong gear, magandang lens, magandang mic, sa fiancé ko ito! Buti na lang talaga! Kumpleto po siya," masayang pahayag ng singer.
Malaki ang pasasalamat ni Morissette kay Dave dahil todo ang suporta nito sa kanya. Masaya rin daw siya sa pagpapahalaga ng fans sa lahat ng mga ginawa nila ng fiancé.
FROM FRIENDS TO LOVERS
Pero siniguro ni Morissette na unti-unti nilang binubuo ang kanilang wedding ideas at pati na suppliers.
Kilig pang ikinuwento ni Morissette ang lalim na pagmamahalan nila ni Dave.
Una silang nagkakilala at naging magkaibigan sa TV5 noong 2010 to 2012.
Sandali silang nawalan ng komunikasyon, pero pinagtagpo ulit sila ng tadhana sa The Voice Philippines Season 1 noong 2013.
Ayon kay Morissette, "From acquaintances to really becoming friends, and then naging tuluy-tuloy na after that.
"Siyempre, ang daming nangyari. Of course, people already know in between all of that."
Tila ang tinutukoy ni Morissette ay ang pagsubok na dinaanan nila ni Dave noong 2019.
"But then we pushed through, and we realized na it’s us," nakangiting dagdag niya.
Read related article: Morissette Amon not living with boyfriend; left "P20 to P30M" savings to parents — source
WHAT MORISSETTE LOVES ABOUT DAVE
Ibinahagi rin ni Morissette na isa mga bagay na minahal niya kay Dave ay ang tiwala nito sa timing ng Diyos.
Sobra raw siyang na-inspire dito.
"How he lives his life na he embodies nga na, parang, kung hindi mangyayari ito, 'What’s next, Lord?'
"Yun yung gusto ko sa kanya. He just pushes forward and never loses that faith. And he’s strong," sabi pa ni Morissette sa PEP.ph.
Taong 2019 nang unang maiulat ang tungkol sa espesyal na ugnayan nina Morissette at Dave.
Na-engage sila noong December 21, 2020.