Francine Diaz's manager asked if Seth Fedelin is courting young actress

by Bernie V. Franco
Jan 19, 2022
francine diaz
The manager of Francine Diaz answers a netizen who asked if the young actress is being courted by Seth Fedelin.
PHOTO/S: @francinesdiaz on Instagram / YouTube (Seth F.)

Itinanggi ng manager ni Francine Diaz ang espekulasyong may namamagitan kina Francine at Seth Fedelin.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang talent manager na si John Ling ng larawan nila ng alagang si Francine.

Sa comments section, may netizen na nagtanong kung nanliligaw ba si Seth kay Francine.

Sagot ni John: “nope .. that’s the truth.”

Continue reading below ↓

Sinundan pa niya ito ng “100” emoji, indikasyong walang katotohanan ang mga lumabas na espekulasyon.

francine diaz

Sina Francine at Seth ay kasama sa tinaguriang “Gold Squad,” na kinabibilangan din nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri.

Ang Gold Squad ay galing sa top-rating ABS-CBN afternoon show na Kadenang Ginto (2018-2020).

Pero ang magka-screen partners ay sina Andrea at Seth, at magkatambal naman sina Francine at Kyle.

Continue reading below ↓

Noong January 13, nag-trending sina Francine, Andrea, at Seth nang lumabas sa social media ang larawan ni Seth kasama si Francine at ang pamilya ng dalaga.

Diumano, pumunta si Seth sa bahay nina Francine pero hindi malinaw kung ano ang naging pakay ng binata sa kanyang pagbisita.

Ito ang dahilan kung bakit nag-isip ang ibang fans kung may namamagitan ba kina Francine at Seth, bagamat hindi naman talaga sila ang itinutulak na magka-love team.

Ang simpleng comment naman ng manager na si John ay paglilinaw sa espekulasyon, lalo’t umabot pa sa puntong in-unfollow ni Andrea si Francine sa Instagram dahil dito.

Samantala, sa kanyang recent YouTube video, nilinaw rin ni Francine na single siya ngayon at walang boyfriend.

“MARESPETONG BATA”

Samantala, sa post ni John ay nagkomento ng tatlong heart emojis ang actress-singer na si Jessa Zaragoza.

Sabi ni John saksi sila ni Jessa kung gaano kabait ang kanilang “inaanak” na si Francine.

Continue reading below ↓

francine diaz

Pagsang-ayon naman ni Jessa (published as is): “naman! Kya lagi kaming sincerely Happy pag madami syang projects!

“Kasi napaka sipag sa trabaho. Maganda ang work ethic. Marespetong bata.”

francine diaz

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The manager of Francine Diaz answers a netizen who asked if the young actress is being courted by Seth Fedelin.
PHOTO/S: @francinesdiaz on Instagram / YouTube (Seth F.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results