Is Julie Anne San Jose open to falling in love with Rayver Cruz?

by Melba R. Llanera
Jan 20, 2022
Julie Anne San Jose Rayver Cruz
Julie Anne San Jose on possible romance with Rayver Cruz: "Nasagot ko na naman ito before, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat. We'll see."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz Instagram

Tila bukas sa posibilidad si Julie Anne San Jose, 27, na maaaring humigit sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila ni Rayver Cruz, 32.

Ayon sa Kapuso singer-actress, masaya siya ngayon at mukhang ang isa sa nagbibigay sa kanya ng saya ay si Rayver.

"Ang masasabi ko lang, masaya maging masaya. Basta masaya maging masaya, happy lang.

"Nasagot ko na naman ito before, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat. We'll see," malamang saad niya sa tanong kung bukas siyang mahulog ang loob kay Rayver.

Patungkol kay Rayver, sabi ni Julie Anne, "We"ve always been close. Sobrang close talaga namin ni Rayver.

"We enjoy each other's company, saka sobrang okay kaming dalawa.

"Si Rayver, best friends talaga kami niyan ever since. We've been very close. We're good friends. We've been long-time friends."

Ang dalawa ay parehong single ngayon.

Kahapon, January 19, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa launching ng recording collab nila ni Christian Bautista under Universal Records, ang "Everybody Hurts."

Continue reading below ↓

Ayon pa sa Kapuso singer-actress, malalim ang pagkakaibigan nila ni Rayver.

Isa si Rayver sa takbuhan niya sa mga panahong nangangailangan siya ng kausap at makakaunawa sa kanya.

"Isa talaga siya sa mga taong nakakaintindi sa akin, isa siya sa mga taong napagkukuwentuhan ko kung ano ang mayroon sa akin.

"Problema ko, mga pinagdadaanan ko, like matter of the hearts, like sa family ko and with life.

"I'm really comfortable to talk about those things with him."

Puro magagandang salita ang paglalarawan niya kay Rayver.

"Mabuti siyang tao. He's a good person. Caring siya, thoughtful siya, and he's really someone that you can count on," sabi pa ni Julie Anne.

Una silang nagkatrabaho sa defunct weekly musical-variety show na Studio 7 noong 2018.

Ilang seasons na rin silang magkatambal bilang co-hosts sa Kapuso reality show na The Clash. Magkasama rin sila sa All-Out Sundays.

HOT STORIES

HOW SHE HANDLED PAST HEARTBREAKS

Katulad ng collab duet nila ni Christian Bautista na "Everybody Hurts," dumaan din sa pagkabigo sa pag-ibig si Julie Anne.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP.ph si Julie Anne kung paano niya ginagamot ang sarili at nagmu-move on kapag nasasaktan ng isang break-up.

Saad niya, "Actually, lahat tayo ay may kani-kaniyang heartbreaks, inevitable din naman iyan.

"But, I think, ang pinakamagandang gawin is really to reflect and reconnect with yourself.

"Because when you do that, you will be able to find the things na talagang makakapagpagaan ng loob sa iyo."

Continue reading below ↓

Dapat daw ay maging bukas din sa bagong mga karanasan.

Aniya, "Discover new things about yourself and you'll be more open. Try to put yourself out there din kasi kasi may kani-kaniyang paraan tayo to cope up.

"Explore, find your sense of freedom. Eventually lilipas din naman iyan."

Pinakahuling payo niya ay magkaroon ng mga taong mapagkakatiwalaan.

"Surround yourself with people who guide you, truly love you.

"Family is really important, makakahanap ka kasi ng support system mo kapag kasama mo ang family mo rin.

"Have faith. Pray ka lang. Eventually you will be okay. Accept lang."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on possible romance with Rayver Cruz: "Nasagot ko na naman ito before, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat. We'll see."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results