Ellen Adarna answers question about prenup with husband Derek Ramsay

by Arniel C. Serato
Jan 21, 2022
Ellen Adarna reacts to prenup agreement question from follower
Ellen Adarna on comparative status of her and husband Derek Ramsay's wealth: "Patas ang show."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Dalawang buwan nang kasal sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Kapwa rin mula sa buena familia ang dalawa kaya pagdating sa pera ay walang problema sa bawat isa.

Sa Instagram Stories kahapon, January 20, 2022, nagpaunlak si Ellen ng tanong mula sa kanyang followers para sa kanyang "Ask me a question."

Isa rito ay nag-usisa sa kanya tungkol sa pre-nuptial agreement o pagkakaroon ng kasunduan tungkol sa kani-kanilang yaman at ari-arian bago nagpakasal.

Tanong ng netizen (published as is), “I know both of you and your husband are both well off but did you guys ever consider prenup agreement?”

Ellen Adarna on prenup agreement with Derek Ramsay

Continue reading below ↓

Walang patumpik-tumpik na sagot ni Ellen, walang lugi sa kanilang dalawa.

Kahit personal daw masyado ang tanong, minabuti na rin niyang sagutin ito.

Diretsong sagot ng aktres, “So many people ask me and Derek this, and this is a very personal question.

"So, let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek ug si Derek di sad lugi nako (Hindi ako lugi kay Derek at si Derek ay hindi rin lugi sa akin). So, patas ang show.”

Kilala ang pamilya ni Ellen dahil sa kanilang real-estate businesses at chain of motels sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, at Metro Manila.

READ: Ellen Adarna: Cynosure of all eyes

Ang pamilya naman ni Derek ay may mga malalaking negosyo din tulad ng security business ng kanyang ama.

Marami ring naipundar na bahay si Derek sa mga exclusive subdivisions.

Nagsimula ang malalimang pagkakaibigan nina Derek at Ellen noon lamang January 2021.

Continue reading below ↓

DEREK AND ELLEN'S LOVE STORY

Whirlwind romance na nauwi sa kasalan ang love story nina Derek at Ellen.

Noong January 2021, inimbitahan ni Derek sa kanyang bahay sa Ayala Alabang sina Ellen, John Estrada, at Ruffa Gutierrez dahil nadiskubre ni Derek na magkapitbahay lamang sila ni Ellen.

Doon na nagsimula ang pag-uugnay sa dalawa, na noong una ay parehong todo tangging may namamagitan sa kanila higit pa sa pagkakaibigan.

February 2021, eksklusibong umamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa na may relasyon na nga sila.

READ: Derek Ramsay, Ellen Adarna confirm relationship: “May relasyon kami, oo.”

November 11, 2021, ikinasal sila sa isang mountain resort in Bagac, Bataan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on comparative status of her and husband Derek Ramsay's wealth: "Patas ang show."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results