Nadine Lustre claps back at bashers who said she has not moved on from James Reid

by James Patrick Anarcon
Jan 23, 2022
Nadine Lustre
Nadine Lustre to basher who said she has not gotten over James Reid yet: "naka move on na kaming lahat. mag move on ka na din sis"
PHOTO/S: @nadine on Instagram

Hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang isang basher na nagsabing hindi pa siya nakaka-move on sa ex-boyfriend niyang si James Reid.

Nagsimula ito nang makipag-tweet si Nadine sa ilan sa kanyang fans noong Biyernes, January 21, 2022.

Isa sa mga naging tanong kay Nadine ay ang ibig sabihin ng kanyang dragon tattoo.

Sagot ni Nadine, “it’s the tiny voice in my head,” na kinu-quote ang pelikulang Raya and the Last Dragon.

Nakakuha naman ng pagkakataon ang isang basher na paratangan si Nadine na hindi pa raw ito nakaka-move on sa kanyang ex-boyfriend. Tinanong din niya kung rebound lang ang kanyang rumored boyfriend.

Walang pangalang binanggit ang basher subalit alam naman ng publiko na nauwi sa totohanang relasyon ang love team nina Nadine at James, subalit nagwakas ito noong 2020.

Sa ngayon, si Nadine ay napapabalitang may bago nang boyfriend, si Christophe Bariou, isang French guy na may-ari ng isang resort sa Siargao.

Continue reading below ↓

Aniya, ang tattoo raw talaga ni Nadine ay “dream tattoo” ng kanyang ex.

Sabi ng basher kay Nadine (published as is), “Unur. Yan yung dream tattoo ng ex mo. Ano ghorl di pa rin makamove on? Anino pa rin? Rebound lang yung present? Hahahaha. Parang career mo lang na di na umusad. Laos. Feeling western dzai.”

Ang sagot ni Nadine ang basher (published as is): “dzai tama na. Di na namin alam pinaglalaban niyo. [face with tears of joy emoji]”

Sa ngayon ay deleted na ang tweet ng basher kay Nadine.

Nadine Lustre to basher

Continue reading below ↓

“NAKA-MOVE ON NA KAMING LAHAT.”

Kasunod nito ay nag-tweet si Nadine ng tila ay mensahe sa kanyang bashers.

Saad niya sa tweet (published as is), “Nice to know that after all this time… Im still living rent free in your heads”

Karamihan sa replies ng tweet na ito ay galing sa mga tagahanga ni Nadine, kung saan sinabi nilang hindi nila makakalimutan si Nadine.

Subalit isa na namang basher ang bumatikos kay Nadine at inulit na hindi pa rin ito nakaka-get over kay James.

Sabi ng basher kay Nadine (published as is), “Cause no matter how you deny it your ex is still living rent free in your head”

Nadine Lustre to basher

Continue reading below ↓

Mukhang pamilyar na si Nadine sa basher at sinagot niya ito ng (published as is), “wala talagang wow factor mga banat mo. naka move on na kaming lahat. mag move on ka na din sis [unamused face emoji]”

Nadine Lustre to basher

Hindi pa dito natapos ang pagrereply ng basher. Sabi niya kay Nadine, “Wala palang wow factor? pero lagi mo naman ako sinasagot [yawning face emoji]”

Continue reading below ↓

Sarkastikong sagot ni Nadine, “ayaw mo bang mainspire siz?! hanap ako ng iba”

Nadine Lustre to basher

Taong 2016 nang unang mapabalita ang relasyon nina Nadine at James, na nagsimula bilang love team na JaDine noong 2014.

Noong January 1, 2020, napabalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na ang dalawa.

Continue reading below ↓

Kinumpirma nila ang kanilang hiwalayan noong January 20, 2020, sa pamamagitan ng isang statement sa Tonight With Boy Abunda.

Subalit pagkatapos nito ay may ilang beses pa ring nakitang magkasama ang dalawa hanggang sa napabalitang nagkabalikan sila.

Noong August 2021, sa unang pagkakataon ay nabalita ang sightings kay Nadine kasama ang isang French guy sa Siargao.

Hindi rin nagtagal at natukoy ito bilang si Christophe Bariou.

Mukhang mas maglalagi sa Siargao ang dalaga dahil nagpa-register ito bilang botante roon.

Nakilala na rin ng mga magulang niya si Christophe.

Noong January 12, 2022, sa unang pagkakataon, nag-post si Nadine ng litrato nila ni Christophe sa Instagram.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre to basher who said she has not gotten over James Reid yet: "naka move on na kaming lahat. mag move on ka na din sis"
PHOTO/S: @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results