Kris Aquino reveals reasons why she'd never ever get back with Mel Sarmiento

by Rachelle Siazon
Jan 24, 2022
Kris Aquino Mel Sarmiento
Kris Aquino on former fiance Mel Sarmiento: "So paano babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?"
PHOTO/S: @krisaquino Instagram

"The End... Move on na..."

Ito ang tila pinal na salitang pinakawalan ni Kris Aquino sa bigong love story nila ng ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

Ayon kay Kris, nawalan siya ng respeto kay Mel hindi lang dahil sa pang-iiwan umano nito sa kanya sa ere kundi sa pang-iisnab nito sa kanyang panganay na kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz.

Pakiramdam din ni Kris ay pinagsawalang-bahala ni Mel pati ang nararamdaman ng kanyang anak na si Bimby na napalapit dito.

Nakumpirma rin daw niyang hindi talaga sila magkakabalikan matapos nilang makapag-usap via Facetime audio kamakailan.

Pahayag ni Kris (published as is):

"No nay... hindi kami nag balikan. i just felt PEACE in my - finally... kaya the past no longer felt like something i needed to erase.

"Iniwan nya ko Nay, when i was at my lowest and ginawa nya yun via text...

"matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?

Continue reading below ↓

"i found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago...

"basing it on that final conversation it became clear to me twhat his true feelings for me had been and how little respect i had left for him..."

Sinabi ito ni Kris noong Linggo, January 23, 2022, bilang sagot sa haka-haka ng veteran entertainment host/talent manager na si Lolit Solis, na nais umano ni Mel na makipagbalikan kay Kris.

Ayon kay Kris, sinubukan ni Ballsy na mamagitan sa kanilang dalawa ni Mel pero dinedma raw ng dating DILG secretary ang kanyang kapatid.

Malamang pahayag niya: "let's not involve my sons, because mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt bimb and never once checked on how my son was taking all of this.

"It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

"HINDI MINAHAL AT GINAMIT LANG"?

Nakakagulat ang bagong rebelasyong ito ni Kris dahil noong sila pa ni Mel, naging bukas ang actress-host sa pagsasabing "match made in heaven" ang whirlwind romance nila.

Nagkaroon kasi sila muli ng komunikasyon nang pumanaw ang kapatid ni Kris at dating Pangulong si Benigno Aquino III noong June 24, 2021.

Si Mel ay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary mula September 2015 hanggang June 2016, noong termino ni Noynoy bilang Pangulo.

Pero iba na ngayon ang pananaw ni Kris sa pagkrus ng landas nila ni Mel.

Hindi raw naging tapat si Mel sa koneksiyon nito kay Noynoy.

Lumalabas na may nakausap daw si Kris na dating right-hand man ni Noynoy na tila pinasinungalingan kung anuman ang mga kuwento ni Mel sa kanya.

"And siguro yung final straw for me was the fact kinaya nyang mag imbento ng napakaraming kwento bilang 'patunay' na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me- mas grabe pa yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy's term in 2016 kumpleto talaga yung listahan."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "Alvin" ni Kris ay ang kanyang long-time chief of staff na si Alvin Gagui.

Pagpapatuloy ni Kris, "Nay, by now kilala mo ko- FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin.

"i feel OA yung ginawang panggamit sa nanahimik ng patay- kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy- and because of what i had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & i lived for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues).

"So paano babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?"

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Mel hinggil sa mga sinabi ni Kris.

Continue reading below ↓

KRIS AND MEL'S WHIRLWIND ROMANCE

Naging magkasintahan sina Kris at Mel noong July 24, 2021, o isang buwan mula nang pumanaw si Noynoy.

October 24, 2021 nang unang isapubliko ni Kris ang tungkol sa kanilang relasyon kasabay ng anunsiyong engaged na sila.

October 28 ay kilig na humarap pa ang couple sa Q&A video kasama ang anak ni Kris na si Bimby.

Inalala noon nina Kris at Mel ang ilang pagkakataong nagkakasama sila sa mga okasyon kasama si Noynoy noong Pangulo pa ang huli. Crush na raw noon ni Mel si Kris.

Hindi raw nila akalain na sa muling pagkikita nila noong June 2021 ay mabibigyan sila ng pagkakataong magkakilanlan at magmahalan.

May basbas pa ito ni Bimby na nagsabing cool si Mel na kasama, kaya ganoon na lang kasaya si Kris.

THE BREAKUP

Noong December 2021, magkasama pa sina Kris at Mel sa relief efforts na dinaluhan nila para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Negros Occidental.

Continue reading below ↓

Makalipas lamang ang dalawang linggo, noong January 4, 2022, inanunsiyo ni Kris na hiwalay na sila ni Mel.

Via Instagram, inihayag noon ni Kris lubos siya noong naalarma dahil sa "complications" na dala ng kanyang autoimmune condition.

Nakatakda pa sanang magkita ang dalawa, pero hindi ito natuloy base sa ipinakita ni Kris na huling text message sa kanya noon ni Mel.

Sinabi ni Mel na tinatanggap niya ang "offer" ni Kris na pakawalan siya dahil napagtanto raw ni Mel ang pagkakaiba nila.

Mabigat man daw sa loob ni Mel, hindi niya kayang pigilan ang likas niyang pagiging palalabas, na makakasama naman daw kay Kris dahil sa delicate health condition nito.

Hindi raw kaya ng konsensiya ni Mel ang posibilidad na aksidenteng makapagdala siya ng COVID-19 kay Kris, dahil mahigpit na tagubilin daw ng doktor na hindi maaaring dapuan ng virus ang actress-host.

Noon pa man ay aminado si Kris na open book ang kanyang love life sa publiko.

Continue reading below ↓

Ilan sa showbiz personalities na nakarelasyon ni Kris ay sina Herbert Bautista, Joey Marquez, Robin Padilla, Gabby Concepcion, at Philip Salvador.

Napangasawa ni Kris ang basketbolistang si James Yap, pero naghiwalay din sila matapos ang limang taong pagsasama. Na-annul ang kanilang kasal noong 2012.

Naging masalimuot din ang karamihan ng breakups ni Kris sa mga dating nakarelasyon, partikular na kina Joey at James.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on former fiance Mel Sarmiento: "So paano babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?"
PHOTO/S: @krisaquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results