Bea Alonzo has the best reply to being compared to actresses who are already married

by Rachelle Siazon
Jan 26, 2022
Bea Alonzo, Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado
"May taxi?" Bea Alonzo (leftmost) laughs off comparison to married actresses (L-R) such as Marian Rivera, Anne Curtis, and Jennylyn Mercado saying settling down is not a race.
PHOTO/S: @beaalonzo // @marianrivera / @annecurtissmith / @mercadojenny Instagram

Hindi isyu kay Bea Alonzo, 34, kung tingin ng iba ay napag-iwanan na siya ng ibang kasabayang aktres na kasal at pamilyado na.

Sa kanyang Instagram Story, Martes, January 25, 2022, pinaunlakan ni Bea ang tanong ng isang netizen kung kailan niya planong magpakasal.

Ibinigay na halimbawa ng netizen na ang mga halos kaedaran ni Bea na sina Marian Rivera, 37, Anne Curtis, 36, at Jennylyn Mercado, 34, ay pawang masasaya sa kani-kanilang buhay may-asawa.

Si Marian ay kasal sa mister na si Dingdong Dantes. Mayroon silang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Si Anne ay kasal sa mister na si Erwan Heussaff. Mayroon silang unica hija na si Dahlia.

Kakasal naman nina Jennylyn at longtime boyfriend na si Dennis Trillo. Buntis na rin si Jennylyn ngayon.

Swabeng nagbiro si Bea na parang ang dating ay mapaghuhulihan siya sa biyahe.

"May taxi? Hahahaha!" sagot niya sa tanong ng netizen.

Continue reading below ↓

Sabay seryosong ipinaliwanag ni Bea na hindi niya pini-pressure ang sarili dahil lang marami sa mga kapwa niya aktres ay lumagay na sa tahimik.

Hindi naman daw siya nakikipagkumpitensiya.

Ani Bea: "Hindi ako nagmamadali. I'd like to take my time.

"It's not a race, after all.

"I believe we all have our own timeline."

Bea Alonzo

Continue reading below ↓

BEA'S RELATIONSHIP WITH DOMINIC

Sa kasalukuyan, si Bea ay happily in love sa nobyong si Dominic Roque.

Ibinahagi rin ng aktres sa Instagram Story na isa sa katangiang pinakanagustuhan niya kay Dominic ay ang pag-aaruga nito sa kanya.

"The way he loves me. The way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan," sagot ni Bea sa tanong ng isa pang netizen.

Bea Alonzo

Continue reading below ↓

Bukas din si Bea sa pagpapakita kung gaano kalapit si Dominic sa kanyang pamilya.

Bea Alonzo

Minsan na niyang ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sinuyo at kinilala rin talaga ni Dominic ang kanyang ina at ibang mga kapamilya bago sila naging magkasintahan.

Continue reading below ↓

Sobrang saya rin daw ni Bea dahil malapit siya pati sa pamilya ng nobyo.

Abala rin si Bea sa kanyang career, at inaasahang mapapanood siya muli sa telebisyon sa unang teleserye niya sa GMA-7 ngayong 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May taxi?" Bea Alonzo (leftmost) laughs off comparison to married actresses (L-R) such as Marian Rivera, Anne Curtis, and Jennylyn Mercado saying settling down is not a race.
PHOTO/S: @beaalonzo // @marianrivera / @annecurtissmith / @mercadojenny Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results