Rita Avila to Boy Abunda on his interview with VP Leni Robredo: "Parang ayaw mo na pasagutin."

by Bernie V. Franco
Jan 26, 2022
Rita Avila boy abunda
Rita Avila dismayed with Boy Abunda for his "constant interruptions" during his interview with Vice President Leni Robredo: "Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo.”
PHOTO/S: Rita Avila / YouTube (The Boy Abunda Talk Channel)

Hindi itinago ni Rita Avila ang kanyang pagkadismaya sa veteran TV host na si Boy Abunda sa paraan nito ng pag-iinterbyu kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Vocal si Rita sa pagsuporta kay Robredo.

Puna ni Rita, laging pinuputol ni Boy si Leni kapag sinasagot ng bise presidente ang mga tanong ng tinaguriang King of Talk.

Hindi nag-iisa si Rita sa obserbasyong ito dahil ito rin ang napansin ng maraming netizens at supporters ni Robredo.

Dahil dito, kasama si Boy sa trending topics ngayong gabi ng Miyerkules, January 26, 2022.

rita avila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula this week ang one-on-one interviews ni Boy sa presidential candidates para sa 2022 national elections.

Nauna na si Senator Panfilo Lacson noong Lunes, January 24, at sumunod si Ferdinand Marcos Jr. noong Martes, January 25.

Ngayong gabi, January 26, umere ang one-on-one interview ni Boy sa vice president.

Bukas, January 27, ay si Manila Mayor Isko Moreno ang sasalang; at sa Biyernes, January 28, ay si Senator Manny Pacquiao naman ang iinterbyuhin ni Boy.

RITA CASTIGATES BOY ABUNDA

Sunud-sunod ang pagpo-post ni Rita ukol sa interview ni Boy kay Robredo.

May limang minuto lamang kasi si Robredo na sagutin ang mga tanong ni Boy.

Sa maraming beses na interruptions at follow-up questions ni Boy, nauubusan ng oras si Robredo para mas maipaliwanag nang maayos ang kanyang mga sagot sa mga ibinabatong tanong.

Hindi ito ikinatuwa ni Rita.

Sa kanyang Instagram at Facebook posts, pagpuna ni Rita:

"Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying.”

Hindi naiwasang ikumpara ni Rita ang paraan ng pag-interview ni Boy kina Lacson at Marcos Jr.

Ipinahiwatig ni Rita na hindi patas ang pag-interview ni Boy kay Robredo kumpara sa dalawang naunang presidential candidates.

Ani Rita (published as is): "Mas respectful and decent ka kala Sen Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod na ipinost ni Rita ang screenshot na comments ng netizens na sumasang-ayon sa obserbasyon ng aktres.

Buwelta pa ni Rita kay Boy: "WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound.

"Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo."

LENI’S SUPPORTERS CRITICIZE BOY

Sa Twitter, isa sa trending topics si Boy, pero hindi dahil pinuri siya kundi dahil sa batikos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinalamin ng netizens, na karamihan ay supporters ni Robredo, ang obserbasyon ni Rita.

Hindi nila nagustuhan ang “constant interruptions” at “follow-up questions” ni Boy, lalo’t may time limit ang kanyang guest para sumagot.

Binibigyan ng limang minuto ang guest na presidential aspirant para sagutin ang tanong ni Boy sa mga isyu.

Punto ng ilan, sana ay tumitigil ang oras sa tuwing sasabat si Boy.

boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

boy abunda

boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

boy abunda

boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin naiwasan ng iba na ikumpara ang paraan ang panayam ni Boy sa naunang presidential candidates.

Gaya ni Rita, napansin nilang mas maraming “interruptions” si Boy sa interview niya kay Robredo.

Narito ang ilang komento ng netizens:

boy abunda

boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

boy abunda

boy abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas lalong humanga ang netizens kay Robredo.

Sa kabila ng pagpuputol sa kanya ni Boy kapag siya ay nagsasalita, maayos at malinaw pa rin naipahayag ng bise presidente ang kanyang mga nais sabihin.

Ito ang ilan sa pagpuri ng kanyang supporters:

leni robredo

leni robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

leni robredo

leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila dismayed with Boy Abunda for his "constant interruptions" during his interview with Vice President Leni Robredo: "Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo.”
PHOTO/S: Rita Avila / YouTube (The Boy Abunda Talk Channel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results