Watch Now

Kelley Day denies being third party in Tom Rodriguez-Carla Abellana rumored breakup

by Rachelle Siazon
Jan 27, 2022
Kelley Day, Tom Rodriguez, Carla Abellana
Kelley Day (left) on being tagged by netizens as "third party" in reported breakup of Tom Rodriguez and Carla Abellana: "I'm not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person." Kelley maintains that she's currently in London because of family matters.
PHOTO/S: @itskelleyday / @teampatdy Instagram

Sa gitna ng isyung hiwalayan umano nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, mabilis na kumalat ang espekulasyon kung may kinalaman ito sa third party.

Sina Tom, 34, at Carla, 35, ay higit pitong taong magkasintahan at kakasal lang tatlong buwan ang nakararaan.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

THE BLIND ITEM

Noong Miyerkules, Enero 27, 2022, inulat ni Cristy Fermin sa programa niyang Cristy Ferminute na napag-alaman niya sa ilang "sources" na "nahuli" umano ni Carla na may "third wheel" si Tom.

Base pa rin sa clue ni Cristy, nakasama ni Tom ang tinutukoy na "third wheel" sa isang teleserye sa GMA-7. Nagkaugnayan daw ang mga ito habang nasa lock-in taping.

Paglalarawan pa ni Cristy sa Kapuso actress na nauugnay umano kay Tom, "Napakaganda, magaling umarte, at magaling magkontrabida."

Malaman ang mga sumunod pang clue ni Cristy kung sino ang Kapuso actress.

Ani Cristy: "Day, dyusko day. Ang apelyido niyan ay puwedeng Monday at mga susunod pang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nako... Naging miss chuchuchuchu sa tourism... Ang apelyido niya, Lunes hanggang Biyernes, Linggo, Lunes, Martes."

Kelley Day, Tom Rodriguez, Carla Abellana

Naging tampulan ito ng usap-usapan sa social media.

Ang hula ng netizens, si Kelley Day ang tinutukoy ni Cristy na Kapuso actress.

May mga nagkomento pang nagpunta umano si Kelley sa London "para iwas chismis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kelley Day, Tom Rodriguez, Carla Abellana

Kelley Day, Tom Rodriguez, Carla Abellana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KELLEY DAY calls it "fake news"

Hindi pinalampas ni Kelley Day, 25, ang pagkakadawit niya sa tinagurian nitong "fake news."

Si Kelley ay nakatrabaho ni Tom sa Kapuso prime-time series na The World Between Us, na nagtapos nitong January 7, 2022.

Ka-love triangle ni Kelley sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa kuwento. Si Tom ay gumanap na kapatid ni Jasmine sa The World Between Us.

Si Kelley ay itinanghal ding Miss Eco International 2020 first runner-up at nanalong Best in Costume.

Ngayong Huwebes, January 27, 2022, agad na naglabas si Kelley ng pahayag via Instagram Story.

Hindi niya tahasang binanggit ang pangalan nina Tom at Carla, pero malinaw na ito ang tinutukoy niya dahil sa pag-tag sa kanya ng netizens sa sinasabing hiwalayan ng couple.

Ayon kay Kelley, walang katotohanan na siya ang third party sa kontrobersiya.

Pahayag ng actress-beauty queen (published as is): "many people are speculating about my involvement in a certain rumor/blind item story that seem to have been circulating today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"so before things get too out of hand, i'd like to clarify that I have no knowledge of/involvement with the controversy.

"I don't know how or why my name has become linked (i'm surprised too), but what I do know is these accusations about me are false."

KELLEY: "I'M NOT PREGNANT."

Nilinaw rin ni Kelley na walang katotohanan ang espekulasyong nagtungo siya sa London dahil siya ay buntis at nais na ilihim ito sa publiko.

Paliwanag niya (published as is): "Truth:

"I've travelled to the Uk to attend the funeral of a family member, and to spend time with my UK-based family.

"I'm not pregnant (nor have I ever been)."

Giit pa ni Kelley, hindi siya naging ganoon kalapit kay Tom para masabing mayroon silang romantic involvement.

Mataas daw ang respeto niya sa mag-asawang Tom at Carla dahil mabait ang mga ito sa kanya.

"I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have, and always will the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness.

"I hope this clears up the false rumors involving me. So much fake news out there nowadays.

"I hope we can take more caution with what we choose to believe online," pagtatapos ni Kelley.

Kelley Day, Tom Rodriguez, Carla Abellana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang inulat ng PEP Troika ang tungkol sa sinasabing hiwalayan nina Tom at Carla noong January 25, 2022.

Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng opisyal na pahayag ang manager ng couple na si Popoy Caritativo.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelley Day (left) on being tagged by netizens as "third party" in reported breakup of Tom Rodriguez and Carla Abellana: "I'm not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person." Kelley maintains that she's currently in London because of family matters.
PHOTO/S: @itskelleyday / @teampatdy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results