Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Jugs Jugueta repost message of Carlo Katigbak about ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Jan 28, 2022
Edu Manzano, Cherry Pie Picache react to news about NTC's redistribution of ABS-CBN old frequencies to other media entities
Kapamilya veteran stars Edu Manzano and Cherry Pie Picache share old message of ABS-CBN President Carlo Katigbak about ABS-CBN franchise amid National Telecommunications Commission's redistribution of the network's old frequencies to other media companies.
PHOTO/S: Courtesy: @realedumanzano / @yescppicache on Instagram

Sa pagputok ng balitang naipamahagi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, ibinahagi naman ng ilang Kapamilya stars ang dating mensahe ni ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Mensahe ito ni Katigbak sa press noong May 2021, isang taon matapos tuluyang mamaalam sa free-to-air broadcast ang ABS-CBN.

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang mensahe ay ang Marry Me, Marry You stars na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache, at ang It's Showtime co-host na si Jugs Jugueta.

Mababasa sa quote card ni Katigbak ang tungkol sa estado ng ABS-CBN matapos itong mawalan ng prangkisa.

Ayon sa ABS-CBN top executive, ang Kapamilya network ay matatagpuan sa puso ng bawat Pilipino.

Buong mensahe niya: “ABS-CBN is not our franchise. It’s not our transmitter, not our studios.

“ABS-CBN is found in the heart of every Kapamilya that chooses to serve the Filipino.

“ABS-CBN is for you. For so long as the passion to serve burns brightly in you.

Continue reading below ↓

“ABS-CBN will continue to be alive and well.”

Edu Manzano, Cherry Pie Picache react to news about NTC's redistribution of ABS-CBN old frequencies to other media entities

Edu Manzano, Cherry Pie Picache react to news about NTC's redistribution of ABS-CBN old frequencies to other media entities

Continue reading below ↓

Edu Manzano, Cherry Pie Picache react to news about NTC's redistribution of ABS-CBN old frequencies to other media entities

Nitong nakaraang January 26, 2022, lumabas ang balitang naipamahagi na ng NTC ang broadcast frequencies na dating naigawad sa Kapamilya network.

Kabilang na rito ang paggawad ng nasabing ahensiya sa Channel 2 frequency sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar.

Continue reading below ↓

Bukod sa Channel 2, kasamang ibinigay ng NTC sa AMBS ang analog channel sa Mega Manila na Channel 16.

Dagdag pa rito, ibinigay rin ng NTC ang Channel 23—na dating Studio 23 at Sports+Action (S+A) ng ABS-CBN—sa Aliw Broadcasting Corporation.

Naibigay naman ng NTC ang Channel 43 sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI), kumpanyang pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Aprubado ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Executive Secretary ang naging hakbang na ito ng NTC.

Nauna nang inamin ng TV Patrol anchor na si Karen Davila na isang "tough day" para sa istasyon ang nasabing balita.

Sina Villar at Quiboloy ay kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ilang beses sinabi noon na haharangin niya ang anumang hakbang na magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Noong July 10, 2022, tuluyang ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga kongresistang bumoto para sa pagbasura ay ang anak ni Manny Villar na si Camille Villar ng Las Piñas City.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya veteran stars Edu Manzano and Cherry Pie Picache share old message of ABS-CBN President Carlo Katigbak about ABS-CBN franchise amid National Telecommunications Commission's redistribution of the network's old frequencies to other media companies.
PHOTO/S: Courtesy: @realedumanzano / @yescppicache on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results