Kalmadong sinagot ni Neri Miranda ang isang netizen na nagtama ng pagkakamali nito sa kanyang comment sa post ni Sarah Lahbati.
Nitong nakaraang Miyerkules, January 26, 2022, marami ang na-inspire kay Sarah sa pag-post nitong tungkol sa kanyang stretch marks.
Kabilang dito si Neri sobrang na-impress sa sexy figure ni Sarah kahit pareho na silang celebrity mom.
Sa kanyang comment, sabi ni Neri (published as is): "Grabe yung tyan!!! [emoji] paano ma-achive? [emoji]"
Isang netizen naman ang agad na nag-reply sa comment ni Neri at sinabing, "@mrsnerimiranda achieve kasi yon. Kulang ka ng E"
Imbes na patulan at makipag-bardahan sa comments section, mas pinili ni Neri na magpasalamat sa netizen na nagtama ng kanyang pagkakamali.
Reply ni Neri: "Ay oo nga no? [emoji] thanks for correcting me! [emoji]"
Ngunit hindi naman ito pinalampas ng ibang fans ng celebrity mom at ipinagtanggol ito sa nasabing netizen.
Sabi ng isang nag-comment, "Grabe naman bawal talaga magkamali sa online world eh no? Ang peperfect nyo masyado [emoji]"
Reply pa ng isang Instagram user sa nasabing netizen, "perfect k?"
Ganito rin ang nasabi ng isa pang follower ni Sarah sa nagtama kay Neri. Comment nito, "Ikaw na ang perfect sa earth."
Ngunit sinagot din ito ng nasabing basher at sinabing, "wala akong sinabing perfect ako. Tinama ko lang sya emoji]"
Bukod kay Neri, ang iba pang celebrities na na-inspire at nag-comment sa post ni Sarah ay sina Janella Salvador, Raymond Gutierrez, Max Collins, Janine Gutierrez, Bela Padilla, Charlene Gonzalez, at marami pang iba.