Watch Now

Is Trina Candaza alluding to Carlo Aquino in "may pinuntahan agad na babae" post?

by Rachelle Siazon
Jan 28, 2022
Carlo Aquino, Trina Candaza
Amid rumored breakup with partner Carlo Aquino, Trina Candaza posts cryptic message about "jowa na sakit sa ulo" who will never change his ways.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram

Hiwalay na ba si Carlo Aquino at live-in partner na si Trina Candaza?

Ito ang tanong ng eagle-eyed netizens dahil sa makuhulugang mga salitang binitiwan ni Trina tungkol sa "jowa" na may pinuntahang ibang babae.

Tila may pahiwatig pang may nangyaring hiwalayan dahil walang pagbabago sa sinasabing "jowa."

Base ito sa Facebook post ni Trina ngayong Biyernes, January 28, 2022.

Si Carlo ay kilalang Kapamilya actor, habang si Trina ay isang model pero hindi nag-aartista.

Sabi ni Trina (published as is): "You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

"Kung may pinupuntahan na agad na babae…

"Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago."

Trina Candaza, Carlo Aquino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS' REACTIONS

Hindi tahasang binanggit ni Trina kung si Carlo ang tinutukoy niya sa kanyang post.

Pero nakaagaw ito ng pansin dahil siyam na araw nang usap-usapan ng followers ng couple kung ano ang estado ng relasyon nina Carlo at Trina.

Ayon sa netizens, kung susuriin ang latest social media updates ni Trina ay mapapansing wala raw ito sa tirahan nila ni Carlo.

Sa halip ay nasa condo raw si Trina kung saan ito nakatira noong wala pa silang anak ni Carlo.

Kasama rin ni Trina sa condo ang anak nilang si Mithi, na one year and four months old.

Carlo Aquino, Trina Candaza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin din ng isang fan na noon pa lang Christmas at New Year ay kataka-taka raw na walang happy family photo na ipinost ang couple, hindi tulad noong 2020 holiday break.

Kung susuriin ang Instagram accounts nina Carlo at Trina, wala nga itong family o couple photo liban sa mga ilang ginamit para sa sponsored content nila sa social media.

Carlo Aquino, Trina Candaza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLO AND TRINA'S LOVE STORY

Nagkakilala sina Carlo at Trina sa isang car show sa Pasay City.

Minsan nang ibinahagi ni Carlo na instant attraction ang kanyang naramdaman nang mapansin niya si Trina na isa sa models sa event.

Bagamat non-showbiz si Trina, si Carlo pa ang mismong lumapit para magpa-picture sa dalaga.

Ibinahagi ito ni Carlo sa YouTube vlog ni Erich Gonzales noong March 2021. Co-stars sina Carlo at Erich sa Kapamilya drama series na La Vida Lena.

Ayon pa kay Carlo, ini-stalk niya sa Facebook si Trina, na nagkataong kapatid ng isang kakilala ng aktor.

Nagkakilala sila noong May 2018, at naging magkasintahan noong January 2019.

Ipinanganak ni Trina ang supling nila ni Carlo noong September 13, 2020.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid rumored breakup with partner Carlo Aquino, Trina Candaza posts cryptic message about "jowa na sakit sa ulo" who will never change his ways.
PHOTO/S: @trinacandaza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results