Morissette Amon, Dave Lamar reveal they have been married for "several months" now

by Rachelle Siazon
Jan 28, 2022
Morisette Amon, Dave Lamar
Dave Lamar on overcoming challenges in his relationship with Morissette Amon: "I honestly thought we wouldn't end up together. She literally had to give up everything. And I don't take that for granted."
PHOTO/S: @niceprintphoto Instagram

Kasal na ang longtime couple na sina Morissette Amon at Dave Lamar.

Ngayong Biyernes, January 28, 2022, inanunsiyo ni Morissette na ilang buwan na silang kasal ni Dave.

Ginanap iyon sa Old Grove Farmstead sa Batangas.

Sabi ni Morissette sa kanyang Instagram post (published as is):

"we are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED!

"it was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we're finally Free!

"what a ride it's been, @davejlamar!!!! to the stars and the Moon, I love you my Husband!

"thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together.

"And I can't wait to keeping going Up and Away and experience it all with you!"

Kalakip nito ang litrato ng kanilang wedding kiss.

DAVE CRIES ON WEDDING DAY WITH MORISSETTE

Inilunsad din ni Morissette ang wedding film nila ni Dave sa kanyang YouTube channel.

Continue reading below ↓

Dito ay madamdaming nagkuwento si Dave na hindi biro ang dinaanan nilang pagsubok ni Morissette.

Sabi ni Dave: "I honestly thought we wouldn't end up together.

"She literally had to give up everything. And I don't take that for granted.

"And even my mom, she said, 'Always remember the sacrifice she made for you."

Dagdag pa niya, "It was only because of God why we're here."

Hindi idinetalye ni Dave, pero tila may kinalaman ito sa kontrobersiyal na pagtutol ng ama ni Morissette sa kanilang relasyon noong August 2019.

Naiulat noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pag-alis ni Morissette sa poder ng mga magulang nito.

Hindi malinaw kung imbitado ang mga magulang ni Morissette. Pero tanging ang pamilya ni Dave ang makikitang kasama sa wedding film kasama ng iba pang piling bisita.

Mapapanood din sa video na naiyak si Dave nang ibigay sa kanya ni Morissette ang journals nito.

Continue reading below ↓

Naluluhang saad ni Dave habang binabasa ang letter ni Morissette: "I've treasured these items because it reminded me of everything we've been through, all the hardships we were able to endure.

"I am returning these gifts to you because I can finally say I'm free from the past and I'm ready to conquer the future with you."

MORISSETTE'S WEDDING VOW

Kitang-kita sa wedding film kung gaano kasaya si Morissette sa araw ng kasal nila ni Dave.

"It's been 10 years since nag-meet kami. Who would have thought? Nag-meet lang kami. Siya na pala yun," masiglang saad ni Morissette bago ang ceremony.

Sa kanyang wedding vow, inulit din ni Morissette ang ten years in the making nilang love story.

TJ ang palayaw ni Dave.

Sabi ni Morissette: "TJ, we made it my love.

"Today, in front of our dearest friends and loved ones, I take you not only to be my husband, but to be my partner. Truly my better half.

Continue reading below ↓

"For years, since our paths crossed in 2011, if there's one thing I can really describe our story, it's that everything was definitely God's plan."

Madamdaming sabi pa ni Morissette: "I vow to always be your best friend. Your safe place. Your home."

HOW THEY MET

Unang nagkakilala sina Morissette at Dave sa TV5 noong 2011.

Magkasabay silang sumali sa ABS-CBN reality show na The Voice Philippines Season 1 noong 2013. Kabilang sila sa Team Sarah, ang grupo ng contestants kunsaan coach si Sarah Geronimo.

Naisapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon noong August 2019.

Base sa kuwento ni Morissette, naging mag-best friends daw sila sa matagal na panahon.

Ipinahiwatig din niyang minsan silang nagkahiwalay ni Dave, pero muli ring nagkabalikan.

Na-engage sila noong December 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dave Lamar on overcoming challenges in his relationship with Morissette Amon: "I honestly thought we wouldn't end up together. She literally had to give up everything. And I don't take that for granted."
PHOTO/S: @niceprintphoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results