Yeng Constantino, Ryan Bang put closure to their "love story"

by KC Cordero
Jan 29, 2022
ryan bang yeng constantino
Ini-reveal nina Yeng Constantino at Ryan Bang ang naging ligawan nila noong 2010, at ang mga dahilan kung bakit hindi naging sila.
PHOTO/S: It's Showtime Twitter

Muntik nang maging sila.

Ito pala ang namagitan sa singer na si Yeng Constantino at ng Korean comedian-host na si Ryan Bang.

Naganap ang rebelasyon sa live episode ng It’s Showtime nitong Biyernes, January 28, 2022.

Isa si Ryan sa mga host ng nasabing noontime show.

Ryan Bang with Vice Ganda and Ate Girl.

Semi-regular naman si Yeng bilang hurado sa segment na "Tawag Ng Tanghalan."

Continue reading below ↓

Yeng Constantino at the It's Showtime dressing room.

Naungkat ang “past” nina Yeng at Ryan nang isang contestant ang nagsabing nag-aalangan itong pumasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan.

Nang magbibigay na si Yeng ng kanyang komento tungkol sa performance ng contestant, umayon muna siya sa sinabi nitong nakakatakot masaktan pagdating sa pag-ibig.

Ani Yeng, “Minsan, kahit hindi mo nga naging dyowa, e, basta nagparamdam na sa iyo tapos biglang nawala. Naku, napakasakit talaga!”

Continue reading below ↓

Saka siya bumaling kay Ryan at tumatawang nagtanong dito ng: “Di ba, Ryan?”

Obvious na nagulat si Ryan, lalo na nang biglang ungkatin ni Vice Ganda kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Yeng.

Pagtatapat ni Ryan, year 2010 ay nanligaw siya sa singer-composer.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” matapat niyang sambit.

Nilinaw naman ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

Aniya, “Hindi kita binasted. Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape.”

Nang tanungin ni Vice kung ano ang naramdaman ni Yeng nang basta na lang tumigil magparamdam sa kanya si Ryan, pag-amin ng singer: “Oo, na-sad ako noon.”

Sa tanong kung may chance bang mapasagot siya ni Ryan noon kung hindi ito nawala sa eksena at nagpatuloy sa panliligaw sa kanya, ani Yeng, “Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako.

“Pero noong time na yun, kilig na kilig talaga ako sa kanya.”

Continue reading below ↓

Nagpakasal si Yeng sa kanyang una at nag-iisang naging boyfriend na si Yan Asuncion noong 2015.

Ryan Bang and Yeng Constantino reliving their past.

RYAN THOUGHT YENG WAS NOT INTERESTED IN HIM

Pagbabalik-tanaw naman ni Ryan, seryoso siya noon sa panliligaw kay Yeng. Dahil din dito ay natuto siyang magsimba.

“Tuwing Thursday yata noon sa PBB [Pinoy Big Brother], may taping ka, nagpapadala ako ng kape.

Continue reading below ↓

“Tapos nagsimba pa tayo together tuwing Linggo. Bago ko nakilala si Yeng, hindi ako nagsisimba, e.”

Hiningi naman ni Vice ang side ni Ryan kung bakit hindi nito ipinagpatuloy ang paniligaw kay Yeng.

Kantiyaw ni Yeng kay Ryan, “Ayan na! Mag-e-explain na siya! Anong nangyari?”

Ani Ryan, “Akala ko, ayaw mo sa akin.”

Ikinagulat ni Yeng ang sagot ni Ryan.

Patuloy ni Ryan, “Kasi noong panahon na yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre, lumalabas ako tuwing gabi."

Ilang beses umano niyang niyaya noon si Yeng na gumimik.

“Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas.”

Ang naging conclusion umano ni Ryan sa pagtanggi ni Yeng na lumabas kasama siya, “Akala ko ayaw niya sa akin.”

RYAN THOUGHT YENG WAS DATING RICHARD POON

Nabanggit din ni Ryan na inakala niya noong mag-on si Yeng at ang kapwa nito singer na si Richard Poon.

“Tapos, sumasama ka kay Richard Poon. Yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay.

Continue reading below ↓

“Akala ko nag-outing kayo. Akala ko, ayaw mo sa akin,” paliwanag pa ni Ryan.

Aminado naman si Yeng na totoong nag-out of town sila ni Richard noon para dumalo sa prayer meeting.

Pero walang romansang namagitan sa kanila ni Richard, na ikinasal sa aktres na si Maricar Reyes noong June 9, 2013.

Ani Yeng, naiintindihan na niya ngayon kung bakit tumigil manligaw sa kanya si Ryan.

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya pumayag sa alok nitong lumabas noon.

Ani Yeng, “Noong time na yun, hindi talaga ako puma-party.”

Nag-sorry naman ang binata kay Yeng matapos nilang marinig ang side ng isa’t isa.

Sabi ni Ryan, “Yeng, pasensiya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa iyo.

“Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko yun. Ikaw yung pinakaunang-unang crush ko sa buong buhay ko. Ikaw yun.”

Pinasalamatan siya ni Yeng.

Puri pa ng singer-composer kay Ryan, “Feeling ko, suwerte ng magiging dyowa nito. Kasi napakalambing talaga.”

Continue reading below ↓

THE CLOSURE

Sa isang video clip na nai-post ng It’s Showtime sa kanilang Twitter account, makikitang lumapit si Ryan kay Yeng, nagyakapan sila at masayang nag-usap.

Nag-trending naman ang Twitter post na iyon.

Komento ni @DenverDiaries32: "OMG si Ryan Bang pala ang Chinito sa kanta ni Yeng. Ryan Bang pala ang TOTGA ni Yeng 12 yrs ago."

Sagot naman dito ni @vibrantberry30: “I think hindi po. Hehe. Ang pagkakatanda ko po kasi ay iba yong nagsulat ng Chinito. Pero may kanta si Yeng na B.A.B.A.Y, nasa YouTube. Mas accurate po 'yon.”

Sa post ng MusicNewsPH noong August 15, 2013 ay nakalagay ang tweet ni Yeng na hindi nga siya ang sumulat ng "Chinito," at hindi rin si Ryan ang inspirasyon sa nasabing kanta.

Yeng Constantino clarifies she's not the composer of Chinito.

Continue reading below ↓

Sa video clip pa rin ay sinabi ni Yeng na malinaw na sa kanilang dalawa ni Ryan ngayon ang lahat.

“At least, ito, may closure na tayo,” sambit ni Yeng kay Ryan.

“Thank you for being supportive kanina. Feeling ko na-exposed kita."

Ani Ryan ay okey lang iyon. Dagdag pa niya, "Sinasabi ko naman sa lahat na ikaw yung first crush ko."

Na-appreciate naman umano ni Yeng ang lahat nang efforts ni Ryan, at nagkamayan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga host ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ini-reveal nina Yeng Constantino at Ryan Bang ang naging ligawan nila noong 2010, at ang mga dahilan kung bakit hindi naging sila.
PHOTO/S: It's Showtime Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results