Did Carlo Aquino dedicate a heartbreak song for Trina Candaza amid rumored breakup?

by Rachelle Siazon
Feb 1, 2022
Carlo Aquino, Trina Candaza
Actor Carlo Aquino (left) plays cover song of "Pagsamo" that speaks of a couple who used to love each other but ended up parting ways. Carlo's relationship with partner Trina Candaza has been reportedly on the rocks following her cryptic posts on social media.
PHOTO/S: Carlo Aquino TikTok / Instagram

Tila nakaiwas si Carlo Aquino na matanong sa nababalitang hiwalayan nila ng partner na si Trina Candaza.

Lunes, January 31, 2022, wala si Carlo sa mediacon ng finale ng presscon ng La Vida Lena, ang Kapamilya drama series na kinabibilangan niya.

Sa kabilang banda, agaw-pansin ang ipinost ni Carlo na heartbreaking cover song ng "Pagsamo" ni Arthur Nery.

Sa kanyang TikTok account, gabi ng Lunes, January 31, ibinahagi ni Carlo ang video kunsaan siya ay naggigitara habang kumakanta.

Ang caption ni Carlo: "#pagsamo."

Ito ang bahagi ng lyrics na madamdaming kinanta ni Carlo:

"Kung bibitaw nang mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating / Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing

"Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap /

"Ba't pa ipapaalala 'di rin naman panghahawakan ba't pa ipipilit kung 'di naman tayo ang

"Para sa isa't isa / Ohh di ba sinta tayong dalawa lang noon / Para sa isa't isa / Ohh ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carlo Aquino, Trina Candaza

CARLO LIKES TRINA'S IG VIDEO

Umaga ng Lunes, January 31, nagparamdam naman si Carlo kay Trina nang pusuan ng aktor ang Instagram post ni Trina.

Video iyon ng anak nilang si Mithi, na one year and four months old.

Napabungisngis pa si Mithi nang bigkasin ang salitang "mommy." Lubos itong ikinatuwa ni Trina na nasa tabi lang ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na miss na rin ni Carlo ang anak.

Hindi kaila sa mga masugid na tagasubaybay ng couple na wala sa bahay ni Carlo ang kanyang mag-ina.

Sa latest posts kasi ni Trina ay makikitang lumipat ito sa isang condo unit kasama si Mithi.

THE RUMORED BREAKUP

Usap-usapan ang estado ng relasyon nila ni Trina matapos ang pinakawalang matatalinhagang salita ni Trina tungkol sa relasyon nila ni Carlo.

January 28, 2022 nang mag-post si Trina sa Facebook tungkol sa "jowa" na may pinuntahan agad na ibang babae noong tila kahihiwalay pa lang sa karelasyon.

Kinabukasan, January 29, may cryptic post uli si Trina sa Instagram tungkol sa isang babaeng lubos na nasasaktan dahil sa kasinungalingan ng isang karelasyon, pero siya pang sinisisi na "toxic."

Noong araw ring iyon naiulat ang matapang na pagsagot ni Trina sa netizen na sinabihan siya ng "binalikan ka ng karma."

Kaugnay ito ng isyung naudlot na pagkakamabutihan ni Carlo at ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban nang mapabalita noong January 2019 ang ugnayan nina Carlo at Trina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasagsagan noon ng panunumbalik ng tambalang Carlo at Angelica (CarGel) dahil ang pelikula nilang Exes Baggage ay nasundan ng trabaho nila sa Kapamilya daytime series na Playhouse. Sa tunay na buhay ay madalas ding nagha-hangout noon ang dalawa.

Nito ngang January 29, 2022, idiniin ni Trina na wala siyang inagaw dahil sa pagkakaalam niya ay walang relasyon sina Carlo at Angelica noon.

January 2019 naging magkasintahan sina Carlo at Trina.

TRINA

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Carlo Aquino (left) plays cover song of "Pagsamo" that speaks of a couple who used to love each other but ended up parting ways. Carlo's relationship with partner Trina Candaza has been reportedly on the rocks following her cryptic posts on social media.
PHOTO/S: Carlo Aquino TikTok / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results