Francine Diaz recounts being scolded by a director in an audition: “Ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga!”

by Bernie V. Franco
Feb 1, 2022
francine diaz
Before Francine Diaz reached stardom, she endured a lot of hardships and sacrifices. Francine is one of the teen stars being groomed now by ABS-CBN.
PHOTO/S: YouTube (Francine Diaz)

Binalikan ni Francine Diaz, 18, ang mga hirap na pinagdaanan niya bago siya nagkapangalan sa showbiz.

Si Francine ay teen star at isa sa mga bini-build up ngayon ng Kapamilya network.

Aniya, nagtrabaho siya sa murang edad para maiahon ang pamilya mula sa kahirapan.

Naranasan nilang mabaon sa utang. Napilitan si Francine na tumigil sa pag-aaral dahil walang pang-tuition.

Muntik na rin silang mapalayas dahil walang pambayad ng kuryente at tubig.

Sa edad na 10 o 11 ay nagsabi siya sa mga magulang na tutulong siya para kumita.

Tumigil siya sa pag-aaral at pinasok ang pag-aartista.

"Hindi rin ako nakakapasok [sa school] kasi walang baon. Wala rin akong books. Nakikihiram lang ako.

"Parati akong absent tuwing exam day kasi hindi kami nakakabayad ng tuition,” kuwento ni Francine sa YouTube video ni Karen Davila noong Sabado, January 29, 2022.

Nagsimula si Francine bilang extra sa mga teleserye sa ABS-CBN.

“Parati akong nangungulit sa RM [road manager] na, ‘Meron po bang bago? May audition po ba?’

“Lagi ko siyang tinatawagan, nangangamusta ako para lang [iparating], ‘Bigyan niyo naman ako ng konti diyan.”

Hindi rin makalimutan ni Francine nang pagsabihan siya ng isang direktor sa isang audition.

Hindi raw kasi niya ma-pick-up ang instructions ng direktor dahil sa gutom.

“Nag-audition ako sa serye ni Kuya Jericho Rosales,” pagbabalik-tanaw ni Francine.

“Ang rule namin ni Mama, audition muna bago kumain para tipid tayo.

“So, bawal tayong kumain hangga’t hindi ka tapos mag-audition.”

Pag-amin ni Francine, tinitipid kasi nila ng kanyang nanay ang kanilang pamasahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, pag gutom, parang slow ka mag-pick up ng instructions. Hindi nagwo-work yung brain.”

Bunsod ng gutom, hindi raw nasunod ni Francine ang ipinapagawa ng direktor sa audition.

“So, parang may sinasabi yung director that time... audition pa lang po, ah, na hindi ko na-gets.

“Kasi gutom din ako noon, pero binibigay ko yung best ko sa audition.

“Tapos ang sabi niya, ‘Ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga,’ yun ang sabi niya.”

Pero hindi raw nasiraan ng loob si Francine at dumalo sa sumunod na audition.

Kasunod nito ay natanggap daw si Francine sa Kadenang Ginto (2018-2020), ang Kapamilya afternoon series na nagbigay ng break sa young actress.

Tanda pa raw ni Francine noon, nanghiram pa sila ng pamasahe para makapunta sa story conference ng teleserye.

“Nag-Kadenang Ginto na, tanda ko ‘to, August 2018, nakatanggap kami ng text na storycon nung trailer, Kadenang Ginto na siya.

“May ibinigay na address. Punta naman kami. Nangutang kami sa RM ko ng pang-Grab kasi wala kaming pamasahe.”

Sundot ni Francine, “Minsan nga po kinakatok namin ang kapitbahay namin madaling-araw para [manghiram ng] pamasahe.”

Inalala rin ni Francine nang lumuwas sila para umabot sa ABS-CBN at makisabay sa service papuntang location.

Inabutan daw sila ng ulan sa Quiapo at kinailangan nilang sumilong.

Saad ni Francine, “Umulan siya, sumilong lang kami sa bridge sa mga nagtitinda sa gilid-gilid.

“So, hinintay naming tumila ang ulan. Nasa tapat kami ng simbahan.

“So, parang nag-pray ako na ayoko nang mangyari ito. Akala namin wala siyang katapusan.

"Tapos habang tumatagal, papalapit kami nang papalapit sa Kadenang Ginto, na naging door talaga sa maraming blessings.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, parang narinig talaga kami."

FRANCINE'S UNFORGETTABLE MEMORY OF MELAI

Naibahagi rin ni Francine ang malaking papel ni Melai Cantiveros sa kanyang buhay.

Nagkasama noon ang dalawa sa daytime teleseryeng We Will Survive (2016).

Labindalawang taong gulang lamang noon si Francine.

"Yun yung time na mapuputulan na naman kami ng kuryente at tubig.

“So, parang wala kaming ibang malapitan kasi sobrang laki na ng utang namin sa tita ko.”

Dahil nakakagaanan na ng loob noon si Melai, lumapit sina Francine at nangutang.

Ani Francine, “Wala talagang pag-aalingan, ‘Sige, magkano.’

“Wala naman akong pangalan. Hindi naman ako artistang-artista dati, papahiramin kami ng pera.”

Dahil sa tulong ni Melai, hindi raw sila napalayas sa inuupahang bahay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Before Francine Diaz reached stardom, she endured a lot of hardships and sacrifices. Francine is one of the teen stars being groomed now by ABS-CBN.
PHOTO/S: YouTube (Francine Diaz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results