PBA player Beau Belga accused by his wife of infidelity, physical abuse, lack of child support

by spin.ph staff
Feb 1, 2022
Queenie Manalo-Belga crying, photo of Beau Belga
Ayon kay Queenie Manalo-Belga, misis ni Beau Belga, nagsimula silang magkaroon ng isyung mag-asawa nang pumasok ang PBA player sa PBA bubble noong isang taon.

Inakusahan si Philippine Basketball Association (PBA) Rain or Shine player Beau Belga ng kanyang misis ng pangangaliwa, pang-aabuso, at diumano ay hindi pagbibigay ng suporta sa kanilang anak.

Ayon sa Facebook story ni Queenie Manalo-Belga, maybahay ni Beau, nitong February 1, 2022, "Who would've thought that even after almost 16 years, half of my life, of being together, the man I love and trust with my very life would be the one to put our family in grave danger?"

Nang araw ring iyon, humingi si Queenie ng legal assistance sa Raffy Tulfo In Action, isang programa sa TV5.

Ayon kay Queenie, nagsimula ang diumano’y pagtataksil sa kanya ni Beau noon pang isang taon.

Nagsimula rin si Queenie na mag-post sa Facebook ng tungkol sa isyu nilang mag-asawa noong November 30, 2021.

Sinabi niyang nagkaroon silang mag-asawa ng problema matapos pumasok ni Beau sa PBA bubble.

Aniya, "Okey naman kami before siya umalis sa bubble. May tumatawag sa kanya before that, kaya may agam-agam sa akin, napapaisip ako.

Continue reading below ↓

"Pinaalis kasi nananakit siya tuwing nagbabalak ako umalis tuwing may nahuhuli akong nilalandi."

BELGA'S WIFE POSTS PHOTOS OF HIS ALLEGED PHYSICAL ABUSE

Nag-post din si Queenie ng ilang photos ng mga bahagi ng katawan na may mga pasa at galos bilang patunay ng kanyang mga alegasyon na pisikal siyang sinasaktan ni Beau.

Sinabi rin niyang hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap nang sarilinan si Beau dahil hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag at messages.

"Nung una gusto kong makipag-usap, pero ngayon hindi na. Never po kami nag-usap,” ani Queenie.

“I tried talking to him, I called him, called his friends, yung in-laws ko hindi nila pinansin. Umiiwas siya."

Desidido si Queenie na magsampa ng kasong legal laban sa PBA player.

Naririto ang ilan sa mga screenshots ng Facebook posts ni Queenie:

undefined

Continue reading below ↓

undefined

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Queenie Manalo-Belga, misis ni Beau Belga, nagsimula silang magkaroon ng isyung mag-asawa nang pumasok ang PBA player sa PBA bubble noong isang taon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results