Watch Now

Trina Candaza moves out of Carlo Aquino's home; brings daughter with her

by Rachelle Siazon
Feb 3, 2022
Carlo Aquino Trina Candazaa
Amid rumored breakup, Trina Candaza transfers to a new home without partner Carlo Aquino. Seen in the right is a photo of the couple taken during their Valentine celebration last year.
PHOTO/S: @jose_liwanag / @trinacandaza Instagram

Kumpirmadong umalis na si Trina Candaza, 25, sa bahay ni Carlo Aquino, 36, sa Quezon City.

Mismong si Trina ang nagkuwento na lumipat siya sa condo unit, at bumili ng ilang mga gamit sa bahay.

Ipinakita niya ito sa kanyang YouTube vlog noong January 29, 2021.

Hindi man tahasang binanggit ni Trina, kapansin-pansing wala si Carlo sa house tour na ipinakita niya.

Hindi rin niya binanggit si Carlo sa buong vlog niya. Ang tanging ipinakita niyang kasama sa condo unit ay ang anak nilang si Baby Mithi.

"Hi, everyone. Obviously we moved to a new home.

"Dito ko pinili kasi if ever mag-face to face at least malapit na lang ako sa school and mabilis ako makauwi kay Mithi," saad ni Trina.

Fourth year college student si Trina, at kababalik lang niya sa pag-aaral noong huling bahagi ng 2021.

Mabilis na napuna ng netizens na missing in action si Carlo sa vlog, dahil sa mga dating vlogs ni Trina ay nakukuwento naman niya ang aktor kung di man niya kasama ito sa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin kaila ang mga matalinhagang posts ni Trina na tumutukoy sa hinihinalang breakup nila ni Carlo.

Ang unang cryptic post niya noong January 28 ay tila nagpahiwatig pa ng pag-alis niya sa bahay ni Carlo.

Ani Trina sa Facebook post niya (published as is): "You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

"Kung may pinupuntahan na agad na babae…

"Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago."

HOT STORIES

live-in relationship

Nang mabuntis at manganak si Trina, hindi niya ikinaila ang pagsasama nila ni Carlo sa bahay ng aktor sa Quezon City.

Ilang beses na niyang naibahagi ang masayang moments nila sa bahay noon.

Carlo Aquino, Trina Candaza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Q&A vlog ni Trina noong November 2021, naikuwento pa niyang sa bahay ni Carlo sila nakatira.

Diretso pang sinagot ni Trina noon ang mga pang-uusisa ng netizens sa relasyon nila ni Carlo.

Taong 2018 nang magpa-picture si Carlo kay Trina nang magkrus ang landas nila sa isang car show kunsaan modelo si Trina.

Nanligaw si Carlo sa kanya at naging magkasintahan sila noong January 2019.

Ipinanganak ni Trina ang anak nila ni Carlo na si Baby Mithi noong September 23, 2020.

on handling lovers' quarrel

Naging tapat din si Trina na madalas silang mag-away ni Carlo at ilang beses nang napag-usapan ang paghihiwalay.

"Di ko ikakaila. Talagang marami kaming pinag-awayan din. Lalo na sa girls," natatawang rebelasyon pa noon ni Trina.

Prangka pa niyang sinabi na noong araw bago niya i-shoot ang vlog ay may pinag-awayan daw sila.

Pero nag-usap daw sila ni Carlo at sinabi pa raw ng aktor sa kanyang hindi sila maghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kapag nag-away kami, siyempre yun, hiwalay-hiwalay, kyeme-kyeme...

"Ilang beses na naming tina-try maghiwalay pero di kami natutuloy maghiwalay.

"So, naisip ko, 'Oo nga 'no, di tayo natutuloy maghiwalay kahit ilang beses na natin tina-try.'"

Aminado si Trina na hindi perpekto ang relasyon nila, pero lagi raw nila nadadaan sa magandang usapan.

Sa vlog ni Trina noong December 15, 2021 ay nabanggit pa niyang si Carlo ang nagpo-provide ng lahat ng pangangailangan nila sa bahay.

Pero nitong pagpasok ng Bagong Taon ay naging kapansin-pansin ang panlalamig sa relasyon ng dalawa.

May puntong naging usap-usapan ng netizens na nag-unfollow-an sa Instagram ang dalawa, pero muli ring nag-follow back sa isa't isa.

Hanggang sa lumabas na nga ang malamang cryptic posts ni Trina at paglipat niya ng condo bago nagtapos ang January 2022.

Sa parte ni Carlo, nag-post siya ng "silence and coffee" kalakip ng solo picture niya noong January 23, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carlo Aquino, Trina Candaza

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid rumored breakup, Trina Candaza transfers to a new home without partner Carlo Aquino. Seen in the right is a photo of the couple taken during their Valentine celebration last year.
PHOTO/S: @jose_liwanag / @trinacandaza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results