Derek Ramsay "retired" from showbiz?

by Arniel C. Serato
Feb 2, 2022
Derek Ramsay showbiz retirement
After three years as Kapuso, is Derek Ramsay finally retiring from showbiz?
PHOTO/S: OCS ALVAREZ/ACME VISUAL PRODUCTIONS

“Retired” na ba sa showbiz ang aktor na si Derek Ramsay?

Tila ito ang pahiwatig ni Derek sa isang fan na nananabik na raw sa pagbabalik-telebisyon ng aktor.

Matagal na kasing hindi napapanood si Derek. Ang huli niyang teleserye ay ang The Better Woman ng GMA-7 noon pang 2019.

Sa isang Instagram post niya noong Lunes, January 31, 2022, naghayag ng pagka-miss sa kanya ang isa niyang follower.

Sana raw ay magkaroon na ulit ito ng project sa GMA-7, ang kanyang home studio.

Buong komento ng netizen: “I miss you sir Derek ramsay. Sana magkaproject ka na uli sa GMA. Dedma ka na lang sa mga negatrolls [three smiling face with heart-shaped eyes emojis]”

Makahulugang tugon ni Derek, “retired.”

Derek Ramsay retirement from showbiz

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang Enero, ibinunyag ni Derek sa DZRH at naiulat sa PEP.ph (Phililippine Entertainment Portal) na napagkasunduan nila ng GMA Network na i-freeze muna ang kanyang kontrata sa istasyon dahil hindi pa siya handang pumasok sa lock-in taping.

April 3, 2019 pumirma ng exclusive contract sa GMA-7.

Pero makalipas ang halos tatlong taon ay isang teleserye pa lamang ang nagagawa ng aktor, ang The Better Woman (2019), na pinagtambalan nila ng ex-girlfriend niyang si Andrea Torres.

Ang aktor daw mismo ang humiling sa management na pansamantalang isuspinde ang kanyang kontrata dahil natatakot pa siyang magtrabaho sa labas.

Kasama raw kasi ng aktor sa bahay ang kanyang mga magulang.

Pahayag ni Derek, “Freeze, suspended, it’s more like it.

“Yes, it’s true… na choice ko na choice ng GMA.

"Kasi nung inalok sa akin yung To Have and To Hold, yung teleserye ni Rocco [Nacino], si Carla Abellana, si Max Collins, nag-backout ako kasi prinioritize ko muna yung pamilya at ang nangyayari ngayon sa COVID.

Continue reading below ↓

"So, naintindihan naman ng GMA yun, they respected my decision.

“So, nag-decide kami na i-suspend muna yung kontrata, na ready na ako magtrabaho when I feel na it’s safe na to work."

Kakakasal din lang ni Derek sa asawang si Ellen Adarna kaya focus muna ang aktor sa bagong pamilya.

Pero nagpahayag din ang aktor ng excitement sa nakatakda niyang gawing isang international movie.

Kaya posibleng ang ibig niyang sabihin sa "retired" ay hindi na siya gagawa ng teleserye at magpu-focus na lang siya sa pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After three years as Kapuso, is Derek Ramsay finally retiring from showbiz?
PHOTO/S: OCS ALVAREZ/ACME VISUAL PRODUCTIONS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results