KC Concepcion jokingly tells an ex-boyfriend: “You know who you are. I hate you.”

by Bernie V. Franco
Feb 2, 2022
kc concepcion
KC Concepcion reveals an item from her ex-boyfriend she could never break. Some netizens claim they have an idea who is KC referring to.
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram / YouTube (Kristina KC Concepcion)

Hindi pa rin mabitawan ni KC Concepcion ang regalo sa kanya ng isang ex-boyfriend.

Gustung-gusto raw kasi ni KC ang regalong ito ng kanyang ex-boyfriend kaya’t nagdesisyon siyang itago ito kasama ng collection niya.

Noong January 28, 2022, ipinakita ni KC ang favorite part niya ng bahay sa pamamagitan ng YouTube video.

Ito ay ang kanyang dining area, na ipina-renovate niya para maging display area, kung saan nakalagay ang mga eleganteng flatware, silverware, at books.

Sa video, binabato ng mga tanong si KC at iniugnay niya ang kanyang sagot sa mga naka-display sa shelf ng dining area.

Isa sa mga tanong: “An item on the shelf that you want to break but can’t.”

Ipinakita ni KC ang isang white mug na may disenyong gold skull.

May pagka-dramatic na sagot ni KC: “And the item that I want to break but never could break is this beautiful mug given to me by my ex-boyfriend.”

Continue reading below ↓

kc concepcion

Sundot ng actress-entrepreneur: “Because you should always honor your past.”

Kunwari ay naiiyak na si KC at tiningnan ang mug na animo’y kinakausap.

“I love you. Charaught!” biro ng aktres na sinundan niya ng paghalakhak.

Saka niya itinuro ang camera, “Aaay. You know who you are! I hate you!”

Continue reading below ↓

Binigkas iyon ni KC nang pabiro, na sinundan pa niya ng tawa.

Ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siyang itago ang item.

Ani KC, “I love gold and I love white, so that’s why I decided to keep this in my collection.”

Hindi niya sinabi kung sino ang ex-boyfriend na nagbigay sa kanya ng mug.

kc concepcion

Continue reading below ↓

Samantala, sa comments section ay isang fan ang nanghula na ang ex-boyfriend na tinutukoy umano ni KC ay si Paulo Avelino.

Paliwanag ng netizen, parehong coffee lovers sina KC at Paulo at pareho rin nilang paborito ang skull.

Sa isang Q & A activity umano ni Paulo, nabanggit nitong nananatili silang magkaibigan ni KC.

kc concepcion

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, ngayong araw ay nag-post si KC ng Dubsmash sa kanyang Instagram account.

Ganito ang dialogue:

Voice over (VO): “Do you have a boyfriend?”

KC on dub: “Yes, I do.”

VO: “Where is he from?”

KC: “He’s from another nation.”

VO: “Which nation?”

KC: “Imagination.”

Ang tanging caption ni KC sa Dubsmash video niyang ito ay isang imahe ng skull.

kc concepcion

Continue reading below ↓

Bukod kay Paulo, naging boyfriend din ni KC si Piolo Pascual, ang football player na si Aly Borromeo, at naugnay rin siya kay Rico Blanco.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion reveals an item from her ex-boyfriend she could never break. Some netizens claim they have an idea who is KC referring to.
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram / YouTube (Kristina KC Concepcion)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results