Kristoffer Martin marries non-showbiz partner AC Banzon

by Erwin Santiago
Feb 4, 2022
kristoffer martin ac banzon wedding
Kapuso actor Kristoffer Martin ties the knot with longtime partner AC Banzon in a civil ceremony held in Capas, Tarlac on February 3, 2022. Kristoffer and AC have a five-year-old daughter.
PHOTO/S: Facebook

Kasal na ang Kapuso actor na si Kritoffer Martin sa kanyang non-showbiz partner na si AC Banzon.

Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa city hall ng Capas, Tarlac, nitong Huwebes, February 3, 2022. Ang nagkasal sa kanila ay ang mayor ng Capas na si Reynaldo L. Catacutan.

Mismong si Kristoffer ang nag-anunsiyo ng pagpapakasal nila ni AC sa pamamagitan ng Facebook post na burado na ngayon. Kalakip nito ang larawan nilang dalawa kung saan buong pagmamalaki nilang ipinakita ang kanilang wedding rings.

Caption ng 27-year-old actor sa larawan: "Yes. This happened today."

Si AC naman ay nagbahagi sa Instagram ng ilang clips na kuha sa kasal nila ni Kristoffer.

Saksi sa pag-iisang dibdib nina Kristoffer at AC ang kanilang five-year-old daughter na si Precious.

Sa isang punto ng seremonya ay napaiyak si Kristoffer at mahigpit na niyakap si AC.

kristoffer martin ac banzon wedding

Continue reading below ↓

Dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon nila Kristoffer at AC noong katapusan ng 2020 hanggang noong kalagitnaan ng 2021.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay AC noong February 16, 2021, isiniwalat niyang humantong sa hiwalayan ang kanilang pitong taong relasyon dahil may sangkot na third party na hindi niya pinangalanan.

Ikinuwento ni AC na biglang nagbago ang pagtingin sa kanya ni Kristoffer matapos ang lock-in taping ng aktor noong December 2020 para sa afternoon drama series ng GMA-7, ang Babawiin Ko Ang Lahat.

Ayon kay AC, si Kristoffer ang nagdesisyong wakasan ang kanilang relasyon dahil napagod na ang aktor.

Naging opisyal ang paghihiwalay nila noong December 19, 2020 matapos ang limang taong pagsasama sa iisang bubong.

Noong April 2021, umamin si Kristoffer sa guesting nito sa The Boobay and Tekla Show tungkol sa relasyon nila ni Liezel Lopez, ang co-star niya sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama dahil naghiwalay rin sila makalipas ang tatlong buwan.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay nagkabalikan sina Kristoffer at AC, at ngayon nga ay kasal na sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Kristoffer Martin ties the knot with longtime partner AC Banzon in a civil ceremony held in Capas, Tarlac on February 3, 2022. Kristoffer and AC have a five-year-old daughter.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results