Derek Ramsay, Ellen Adarna mark first year as lovers

by Arniel C. Serato
Feb 4, 2022
Derek Ramsay, Ellen Adarna first anniversary
Ellen Adarna to husband Derek Ramsay on their first anniversary as lovers: "If you didn't marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together (boyfriend-girlfriend)."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Ipinagdiriwang nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang unang anibersaryo bilang magkarelasyon ngayong Biyernes, February 4, 2022.

Inihayag nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanya-kanyang post sa Instagram.

Unang nag-post si Ellen.

Aniya, kung hindi siya pinakasalan ni Derek, ang ipagdiriwang nila ngayon ay ang kaniang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Buong post ni Ellen: “Then (same day last year) and now [heart emoji]

“If you didnt marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together (boyfriend-girlfriend)… but, gigil na gigil ka [grinning face with one large and one small eye emoji]

“Happy Anniversary ex boyfriend i love you [heart emoji]”

Komento ni Derek sa post ng asawa, “I love you too much and I'm proud of that!”

Derek Ramsay, Ellen Adarna anniversary

Continue reading below ↓

Ilang oras ang nakalipas, si Derek naman ang nagpahayag ng pagmamahal sa asawa.

Sabi niya: “Happy first year my love as of your boyfriend. Looking forward to our first year as your husband. I love you. [heart emojis]”

Heart emojis ang komento ni Ellen dito.

Derek Ramsay, Ellen Adarna anniversary

Sa exclusive sit-down interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Derek at Ellen noong February 26, 2021, inamin ng dalawa na may relasyon na nga sila.

Continue reading below ↓

Hindi nila sinabi kung anong petsa naging sila. Ang sinabi lang nila ay isang buwan na ang relasyon nila noon.

Dagdag pa ni Derek, sa loob ng isang buwan nilang pagmamahalan, marami na silang napuntahang lugar.

Aniya, “Nakapunta na kami sa Batangas, nakapunta na kami sa Caliraya, kung saan-saan na kami nakapunta.

"Not just kami... kasama si Elias, kasama ang friends namin. So…”

Si Elias ang anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Sabi naman ni Ellen, “One month feels like a year. Parang ganun. Parang ang bilis pero parang ang tagal.”

Ikinasal sina Derek at noong November 11, 2021 sa Bataan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna to husband Derek Ramsay on their first anniversary as lovers: "If you didn't marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together (boyfriend-girlfriend)."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results