Tila nami-miss na ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez ang kanyang trolls sa social media.
Hindi na raw kasi siya ginugulo ng mga ito na nag-iimbento ng kung anu-ano tungkol sa kanya.
Sa kanyang Instagram post kahapon, February 3, 2022, ibinahagi ni Korina ang pasilip sa panayam niya kay Senator Ping Lacson na tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ipalalabas ito, pati na ang panayam niya sa iba pang presidential candidate, sa Rated Korina bukas, February 5.
Buong caption ni Korina: “We go into their personal lives and into what makes them all human like us. I went fishing with Sen. Ping Lacson. And then we sit down for the questions.
“Ano ang makukuha mo sa loob ng walong minuto sa bawat kandidato. You'll be surprised.
“The longer version of the entire interview can be viewed in our YouTube Channel later.
“THIS WEEKEND. Can't miss. Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo. On #RatedKorina’s Upuan ng Katotohanan.”
View this post on Instagram
Sa comments section, nagdagdag ng mensahe si Korina.
Dito ay nagbabala siya sa trolls na malapit na silang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Paninira raw kasi sa katauhan ng isang tao ang kanilang ginagawa.
Buong sabi ni Korina (published as is): “Nasan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls ba gumugulo at nag iimbento ng kung anu ano tungkol sa akin? Ay. Na block ko na pala sila. Well.
"Malapit na kayo mapa NBI. You cant keep on ruining people’s lives with what you do. Better rethink. Is it worth everything wouve worked for that you end up in jail? Food for thought.”
Noong Enero, inilunsad ni Korina ang kanyang krusada laban sa trolls at bashers.
Isa siya sa pinaka-target ng mga ito sa social media.
Nanawagan siya sa netizens na biktima ng trolls katulad niya na i-email sa kanya ang kanilang karanasan at ipakukulong niya raw ang mga ito.