Is Claudine Barretto open to reconciliation with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez?

by Melba R. Llanera
Feb 7, 2022
Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez
Claudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: "Parang kagaya pa rin siya ng dati pero mas lumalim, mas bumait, mas naging gentleman."
PHOTO/S: Deception mediacon

Kamakailan ay nagbitiw ng salita si Mark Anthony Fernandez, 43, na may tsansang maging sila uli ng ex-girlfriend at kapareha sa pelikula na si Claudine Barretto, 42.

Parehong single sa kasalukuyan at malaya na pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon, hindi raw imposibleng madugtungan ang dating nausyaming relasyon ng dalawa.

Pero para kay Claudine, sa ngayon ay maaga pa para sabihing may balikan na magaganap sa kanila ni Mark.

"Ako ang babae so maghihintay na lang ako kung ano ang mangyayari, kung ano ba talaga," saad ni Claudine.

"Siguro di ko pa nakikita na kami ni Mark, kasi ang bilis ng pangyayari, ang bilis ng shooting namin.

"I think it would be better if we know each other more pa eventually before anything else."

Sa ngayon ay wala raw siyang boyfriend.

Aniya, "Ako wala. Puro trabaho, puro anak lang."

Huling nagkapareha sa pelikulang Mangarap Ka ng Star Cinema noong 1995, tinanong ang aktres kung anu-ano ang mga katangiang napansin niya kay Mark ngayong nagkatrabaho uli sila.

Continue reading below ↓

Papuri ni Claudine kay Mark: "Yung pagiging gentleman niya, he's really a fine gentleman. Talagang aalagaan ka niya, itse-check ka niya kung talagang okay ka.

"Yung mga bagay na ganun malaking bagay yun, e, pag kasama mo sa trabaho. Mas nakakagaan pag nakita mo na mayroon kang ka-bonding, mayroon kang kausap, may nag-aalaga sa iyo.

"Talagang thankful ako dun. Parang kagaya pa rin siya ng dati pero mas lumalim, mas bumait, mas naging gentleman."

First love nina Claudine at Mark ang isa't isa. Teenagers sila nang maging magkasintahan, at nagkahiwalay matapos ang pelikula nilang Mangarap Ka.

ON THOUGHTS ABOUT BETRAYAL

Noong January 24, 2022, nakapanayam si Claudine sa virtual mediacon ng Deception, ang reunion movie nila ni Mark. Nagsimula na itong mag-stream sa Vivamax app noong January 28.

Naranasan na ba niya ang malinlang sa tunay na buhay?

Sagot ni Claudine: "Sa akin talaga pareho lang, sa pera, sa negosyo, sa pamilya, sa pag-ibig. Pag na-decieve ka, na-deceive ka.

Continue reading below ↓

"May betrayal kang mararamdaman, that will always be part of that.

"Masakit, masakit talaga. Pero nasa sa iyo kung paano ka magmu-move on para di ka magpatalo sa mga trials na pinagdadaanan mo."

Bilang isang artista, maingat daw si Claudine sa mga taong pagkakatiwalaan niya para maiwasan na rin niya ang malinlang.

"Yes, being an actor you are always vulnerable. Siguro pag nanggaling ka sa isang masamang break up or hiwalayan, talagang mahihirapan kang mag-trust sa tao.

"Lalo na pag artista ka kasi di mo alam kung ang pinagko-confide-an mo na tao ay ipagkakalat, so mahirap talaga."

ON NIECE JULIA

Tulad ni Claudine, ang pamangkin niyang si Julia Barretto ay nasa pangangalaga rin ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment Inc.

May pag-asa bang magkatrabaho silang magtiyahin?

"Yeah, hopefully, oo. Sana pag medyo maluwag na ang schedule niya.

"May mga ginagawa siya sa Viva and ako rin.. Siyempre gusto kong makatrabaho din siya."

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa publiko ang sanga-sangang alitan sa pamilya Barretto noong taong 2019.

Napabalitang nagkasakitan ang magkapatid na Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto noong gabi ng October 17, 2019.

Sa bersiyon ni Claudine, sinabi niyang dawit ang pamangkin niyang si Julia na nanakit at nagmura umano sa kanya.

Sa bersiyon ni Julia, mariin nitong pinabulaanan ang akusasyong ibinabato sa kanya ni Claudine.

May 2020 ay may patutsada pa si Claudine hinggil sa pag-arte ni Julia nang maikumpara ang huli kay Julia Montes.

Noong June 2021, tila naibsan ang inis ni Claudine at sinabing "at the end of the day, pamangkin ko pa rin yun, e."

Si Claudine ay tumatakbong konsehal sa Olangapo City para sa 2022 elections.

Pero plano pa rin niyang maging aktibo sa showbiz.

Dagdag ni Claudine, base sa mediacon, "After campaign on May, puwede uli akong mag-start ng bagong show. Mayroon akong show at pelikula na gagawin.

Continue reading below ↓

"Saka siguro after ng Deception na ito, pag nagustuhan ng tao, e, ipagpapatuloy na namin sa telebisyon."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: "Parang kagaya pa rin siya ng dati pero mas lumalim, mas bumait, mas naging gentleman."
PHOTO/S: Deception mediacon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results