Janella Salvador reveals how "physical abuse" in past relationship affected her

by Arniel C. Serato
Feb 7, 2022
Janella Salvador opens up about physical abuse in past relationship
Janella Salvador: "I won’t go into detail na lang pero yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Yun yung naging trauma ko."
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram

Inamin ni Janella Salvador na nagkaroon siya ng trauma dahil sa kanyang pinagdaanan sa dating karelasyon.

Hindi man nagbanggit ng pangalan, mahihinuhang ang ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona ang kanyang pinatutungkulan.

Taong 2018 nang maganap ang kontrobersiyal na alitan nina Janine at Elmo hinggil sa diumano'y dalawang insidente kunsaan sinaktan siya ng aktor habang ito ay lasing.

"May trauma siyang nadulot sa akin. Na-forgive ko naman na," pag-amin ng aktres sa vlog ni Ogie Diaz na lumabas noong nakaraang February 4, 2022.

"Ako as a person, mabilis ako mag-forgive. Hindi ako nagho-hold ng grudges, e, kasi, ako gusto ko peaceful tayo, okay, sige.

"Pero closure, hindi kami nagkaroon ng closure. I just chose to, ‘Okay na, let go ko na.'”

“TRAUMA AROUND DRUNK PERSON”

Ayon kay Janella, hindi siya na-trauma sa diumano'y pisikalan na nangyari kundi sa mga lalaking lasing.

Patuloy na kuwento ni Janella kay Ogie, “Yun yung actually, ang naging trauma sa akin, hindi yung physical part, e. Parang, actually I have never talked about this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I won’t go into detail na lang pero yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Yun yung naging trauma ko.

"Pag lalaki, tapos lasing, tapos wala sa sarili, doon ako na-trauma. Alam ni Markus yun."

Si Markus Paterson ang kasalukuyang nobyo ni Janella kung saan meron na silang anak.

BACK STORY

Sa panayam kay Janella ng namayapang editor ng Philippine Star na si Ricky Lo na lumabas noong October 24, 2018, sinabi niyang nais niyang linawin ang mga kasinungaliwang kumalat sa social media.

Noong panahong yun may mga alingasngas ng dalawang beses diumano nasaktan ni Elmo si Janella.

Lahad ni Janella: "I decided to speak up now because I want to stop the lies.

"It was not the first time that he hurt me. The first time happened months earlier.

"He claimed that he didn’t remember what he did, maybe because he had a drink, and he asked for forgiveness, and I gave him a chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I told him, 'Next time, don’t bring yourself to the point that you will hurt someone.'

"He promised naman that he wouldn’t do it again."

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 24, 2018, pinatotohanan ni Janine ang alegasyon ni Janella laban kay Elmo.

Ikinuwento ni Janine na pinuntahan siya sa bahay ni Elmo upang humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente.

Nangako umano si Elmo kay Janine na maglalabas ito ng public apology sa pamamagitan ng isang video, pero hindi raw ito tumupad sa usapan.

"I will still pray that God will guide both of them in their individual journeys to healing," sabi na lang ni Janine sa huli.

Noong kasagsagan ng kontrobersiya noong 2018, nanatiling tikom ang bibig ni Elmo sa isyu.

Ang ina ni Elmo na si Pia Magalona ay nagpasalamat lamang noon sa mga tagasuporta ng aktor na nangumusta sa kalagayan nito.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador: "I won’t go into detail na lang pero yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Yun yung naging trauma ko."
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results