Ellen Adarna gets candid about "sagging breasts, di na pwedeng pakawala"

by Bernie V. Franco
Feb 7, 2022
Ellen Adarna
Ellen Adarna on motherhood and changes in her body: "So… sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Inamin ni Ellen Adarna na ang nagpaamo sa kanya ay ang pagiging ina.

Ito ang paliwanag ni Ellen nang pansinin ng isang netizen na puro family photos ang ipino-post ng aktres.

Aminado siyang malayung-malayo ito sa mga dati niyang post na puro “inuman at lasing.”

Si Ellen ay may anak sa dating karelasyong si John Lloyd Cruz, si Elias Modesto, three years old.

Si Ellen ay ikinasal na rin kay Derek Ramsay noong November 2021.

Nag-post si Ellen ng first anniversary celebration nila ni Derek nito lamang weekend.

Naging magkarelasyon sina Ellen at Derek noong January 2021.

Ipinost ni Ellen ang simple celebration nilang pamilya sa isang beach resort.

Nagkomento ang isang netizen na malayung-malayo ang mga ipino-post na larawan ni Ellen kumpara dati.

Anang netizen (published as is): “Ang gaganda ng nakikitang post ni elena di gaya dati ns inuman at lasing...”

Sumagot si Ellen na binago siya ng motherhood.

Continue reading below ↓

Buo niyang sagot: “I have a son now dai, di na pwedeng pakawala… before, I had all the right to live my life to the fullest.

“Life is good.”

ellen adarna

ELLEN ON SAGGING BREASTS

Samantala, may iba pang comments ng netizens na sinasagot si Ellen sa iba pang Instagram posts.

Bakas ang adjustments ni Ellen bilang isang nanay.

Continue reading below ↓

Sa isang earlier post, nagkomento ang isang netizen na pare-pareho raw ang bikini designs na sinusuot ni Ellen.

Katwiran ni Ellen, “My son has this habit of grabbing boobies out of nowhere so I make sure and secure them that they don’t just pop out easily esp when im around my super physically active family.

May mga pagbabago na rin daw sa katawan si Ellen kaya’t hindi na niya puwedeng gawin ang mga dati niyang ginagawa.

"As much as id want to be a hubadera and wear all kinds of bikini top unfortunately, not all bikini top cuts and style look good on me anymore because of my sagging breasts due to breastfeeding.

"So… sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly.”

ellen adarna

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on motherhood and changes in her body: "So… sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results