Watch Now

Did Trina Candaza just hint at co-parenting setup with Carlo Aquino?

by Bernie V. Franco
Feb 8, 2022
trina candaza
Trina Candaza shows in a recent vlog that she is possibly co-parenting with Carlo Aquino when it comes to their one-year-old daughter. Last January, Trina made a cryptic post that suggested that she and the actor have called it quits.
PHOTO/S: @jose_liwanag on Instagram

Inihayag ni Trina Candaza, 25, na “ipinapahiram” niya ang kanyang anak sa ama nitong si Carlo Aquino, 36.

May mga indikasyong hiwalay na sila bagamat hindi pa ito direktang kinukumpirma ng dalawa.

Isang indikasyon ay ang pag-alis ni Trina sa bahay ni Carlo at paglipat ng model-influencer sa isang condominium unit kasama ang one-year-old baby nilang si Mithi.

Sa recent YouTube vlog ni Trina, ipinakita niya ang kanyang buhay bilang ina at influencer.

Binanggit din ni Trina sa vlog na “hiniram” muna ni Carlo ang kanilang anak sa araw na iyon.

Indikasyon itong bagamat hindi na sila magkasama sa iisang bubong, pinapayagan ni Trina si Carlo na magkaroon ng oras kasama ang kanilang anak.

Ipinost ni Trina ang vlog noong February 4, 2022.

Sa simula ng video, makikita si Trina na nakikipaglaro kay Mithi pagkagising sa umaga.

Nabanggit ni Trina na susunduin ni Carlo ang kanilang anak sa araw na iyon para makasama ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Today, sunduin si Mithi ng daddy niya. Hihiramin muna siya,” sabi ni Trina.

Makalipas ang ilang saglit, makikita ang mag-ina na bumaba sa kanilang condo unit papunta sa lobby.

Caption ni Trina: “Her dad is waiting at the lobby na.”

Sa sumunod na eksena, nakabalik na sa condo unit si Trina.

“So, ayun, binaba ko na si Mithi. Pinick-up siya ni Carlo, ni Papa niya. Hiniram muna siya.”

Ipinaliwanag ni Trina na pagtutuunan niya sa araw na iyon ang paggawa ng videos para sa collaboration niya sa product brands.

“Mamaya, uuwi rin si Mithi sa akin,” sambit niya.

Mapapanood na sariling sikap si Trina sa paggawa at pag-edit ng videos bilang influencer.

Matapos mag-shoot, naglinis ng condo si Trina at inaliw ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng TV.

Pagsapit ng gabi ay inihatid si Mithi at kanyang yaya ng isang lalaking naka-face mask at naka-ball cap.

TRINA'S CRYPTIC POST

Noon lamang January 28, 2022, isang matalinhagang Facebook post ang ibinahagi ni Trina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya sa post: "You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

"Kung may pinupuntahan na agad na babae…

"Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago."

Mabilis namang inisip ng netizens na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ni Carlo.

Kinabukasan, January 29, nag-post ng YouTube video si Trina na nagpapakita ng paglipat niya sa condo.

Hindi niya binanggit sa buong video si Carlo, at tanging silang mag-ina lamang ang lumipat sa condo.

Tikom naman ang bibig ni Carlo kaugnay ng isyu.

Sa kabila ng cryptic post ni Trina, ang tanging post ni Carlo: "Silence and coffee."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza shows in a recent vlog that she is possibly co-parenting with Carlo Aquino when it comes to their one-year-old daughter. Last January, Trina made a cryptic post that suggested that she and the actor have called it quits.
PHOTO/S: @jose_liwanag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results