Ex-PBB housemate Dionne Monsanto throws shade at "unbothered" Toni Gonzaga

by Arniel C. Serato
Feb 11, 2022
Ex-housemate Dionne Monsanto throws shade at Toni Gonzaga
Ex-PBB housemate Dionne Monsanto (left) on "Unbothered Queen" and ex-PBB main host Toni Gonzaga (right): "Paano yung sobrang dami mong nasaktan pero unbothered ka lang?”
PHOTO/S: Courtesy: Dionne Monsanto on Facebook / @celestinegonzaga on Instagram

Pinasaringan ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemate na si Dionne Monsanto ang ex-main host ng Kapamilya reality show na si Toni Gonzaga.

Kasunod ito ng matinding batikos na dinanas ni Toni dahil sa paghu-host nito sa proclamation rally nina dating senador at presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Naganap ang pagtitipon sa Philippine Arena, sa Bulacan, noong February 8, 2022.

Kabilang sa senatorial line-up ng UniTeam nina Bongbong at Sara si SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta, na masiglang ipinakilala ni Toni sa proclamation rally.

Si Marcoleta ang nanguna sa pag-usig sa ABS-CBN Corporation sa isinagawang hearing sa Kongreso noong 2022. Kabilang din siya sa 70 kongresista na bumoto upang tuluyang ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN, ang kinabibilangang network ni Toni sa loob ng 17 taon.

Dahil sa ingay na nilikha ng paghu-host ni Toni, boluntaryo siyang nag-resign sa PBB bilang main host.

Continue reading below ↓

Bahagi ng official statement ni Toni na ibinahagi niya sa Instagram noong February 9: “Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.

"It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years.

"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.

"Thank you Kuya for everything.

"This is your angel, now signing off..."

Read: Toni Gonzaga officially steps down as Pinoy Big Brother main host

Sa pamamagitan ng Twitter noon ding February 9, "pinagtawanan" ng dating PBB housemate at Kapamilya actress na si Dionne Monsanto ang naging pahayag ni Toni.

Makahulugang tweet ni Dionne: “'Angel'??? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Wala mang binanggit na pangalan, malinaw na si Toni ang pinasasaringan niya.

Continue reading below ↓

Sinundan pa ito ni Dionne ng tila pang-uuyam na mga kataga patungkol pa rin sa “angel.”

Aniya, “Self-proclaimed ‘Angel’. Reminds me of self-proclaimed ‘Appointed Son of God’, ‘Modern-day Joseph’ Try nyo self-proclaimed Judas, o self-proclaimed Satanas ganyan HAHAHAHAHAHAHAHA”

Ni-repost din ni Dionne ang isang artikulo tungkol sa pambabatikos ng direktor na si Erik Matti kay Toni.

Continue reading below ↓

Caption niya rito: “Paano yung sobrang dami mong nasaktan pero unbothered ka lang?”

Umingay ang salitang “unbothered” dahil sa Instagram Stories ni Toni, kung saan ni-repost niya ang post ng isang follower na nilagyan ng caption na "unbothered" ang mga larawan ni Toni na kuha sa proclamation rally.

Isa rin sa nagpahayag ng saloobin tungkol sa naging aksyon ni Toni ay ang PBB: Season 6 housemate na si Dawn Chang.

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, nakakuha naman ng suporta si Toni mula sa maraming celebities kabilang na sina Maja Salvador, Gretchen Barretto, at Aga Muhlach.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-PBB housemate Dionne Monsanto (left) on "Unbothered Queen" and ex-PBB main host Toni Gonzaga (right): "Paano yung sobrang dami mong nasaktan pero unbothered ka lang?”
PHOTO/S: Courtesy: Dionne Monsanto on Facebook / @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results