Dawn Chang responds to backlash over post against Toni Gonzaga: "Hindi naman po porket hindi ako sikat ay mananahimik na lamang ako."

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2022
dawn chang
Dawn Chang on criticisms she received after calling out Toni Gonzaga's political stand: “Lahat po tayo, responsibilidad nating magsalita kung kinakailangan. Kinabukasan natin ito."
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram

Nagsalita ang dancer-TV personality na si Dawn Chang matapos umani ng magkahalong reaksiyon ang kanyang pagkastigo sa kapwa ABS-CBN artist na si Toni Gonzaga.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Dawn sa pagpanig ni Toni sa tandem nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio, na tumatakbong presidente at bise presidente sa 2022 presidential elections.

Pumanig si Toni sa alyansa nina Marcos Jr.-Duterte, na kinabibilangan ng mga pulitikong responsable sa pagpapasara sa ABS-CBN noong 2020.

Si Toni ay naging bahagi ng Kapamilya network sa loob ng labimpitong (17) taon.

Read: Toni Gonzaga criticized by Kapamilya supporters, colleagues for hosting Marcos-Duterte rally; Toni "unbothered"?

Idinaan ni Dawn sa isang Instagram post ang pagkastigo niya kay Toni noong Miyerkules, February 9, 2022.

Bahagi ng post ng ex-Pinoy Big Brother 737 housemate: “I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga.

“Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umani ng mga papuri si Dawn, pero matinding batikos din ang inabot niya sa mga panig kay Toni.

Ano ang reaksiyon ni Dawn sa magkahalong reaksiyon—partikular ang pag-bash sa kanya—matapos niyang punahin si Toni?

Ayon kay Dawn, karapatan niyang magbigay ng pahayag bilang mamamayang Pilipino, lalo’t kinabukasan ng bansa ang nakasalalay rito.

“As far as national issues are concerned, especially when it has something to do with our future, it is our obligation to lend our voices, no matter how small or insignificant we may be,” sagot ni Dawn sa exclusive interview ng PEP.ph, via direct messaging, February 11, Biyernes.

“Hindi naman po porket hindi ako sikat ay mananahimik na lamang ako.

“Injustice happens when we choose to keep silent."

Giit niya, “Lahat po tayo, responsibilidad nating magsalita kung kinakailangan. Kinabukasan natin ito.

“Nation-building is everyone's concern.”

Ayon pa kay Dawn, dapat gamitin ng isang artista sa tamang paraan ang kanyang impluwensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Importante raw na pagdating sa pagiging maka-Diyos, hindi lang dapat sa salita kundi pati na rin sa gawa.

Payahag ni Dawn: “More importantly, it is incumbent upon us artists to use our platforms prudently.

“We should be the salt and light of the earth.

“In spite of all our flaws, we should all strive to do good in this imperfect world.

“Not just say the truth of the Word, but live it. That is most important.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang on criticisms she received after calling out Toni Gonzaga's political stand: “Lahat po tayo, responsibilidad nating magsalita kung kinakailangan. Kinabukasan natin ito."
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results