Mayor Joy Belmonte reveals hiring displaced ABS-CBN employees

by Julie E. Bonifacio
Feb 14, 2022
mayor joy belmonte
Quezon City Mayor Joy Belmonte: "Kung hindi po matibay ang loob natin baka hindi natin nalampasan yung mga paninira o kaya yung pagpupuna ng masasakit sa akin. Pero tingin ko iyan ang greatest achievement ko dahil matibay ang loob ko noon at ginamit ko bilang sandata para matugunan ang lahat ng paghamon. Tingin ko ngayon, kahit na anong krisis ang ibato mo sa akin, kakayanin ko na po siya."
PHOTO/S: QC Mayor Joy Belmonte Facebook

Isiniwalat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagtatrabaho ngayon sa kanyang opisina ang ilang dating empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho pagkatapos pagkaitan ng Kongreso ng panibagong prangkisa ang dating broadcasting giant.

“Yes, there are several that came. They’re very capable, very competent people.

"They were displaced, and, I think, displaced rather unfairly and unceremoniously. And the loss of... well, their loss was our gain sa Quezon City government. Kaya na-revitalize din ang ating communications department.

"At gumanda ang ating pagdi-disseminate ng impormasyon sa ating mga mamamayan, and I attribute that to the talent and skills of the men and women from ABS-CBN that we absorbed in the Quezon City government,” saad ni Mayor Joy.

Nakapanayam ng entertainment press si Mayor Joy sa oath-taking ceremonies ng bagong set of officers at board directors ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap noong Miyerkules, February 9, 2022, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

BELMONTE TO HER BASHERS

Kaakibat na ng pulitika ang bashing.

Hindi exempted dito si Mayor Joy, na nakatanggap ng matinding pambabatikos mula nang maupo siya sa puwesto noong 2019 at lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Pahayag ng alkalde tungkol dito: “Doon sa mga basher na nang-bash kasi gusto nila magbigay ng constructive feedback, I thank them kasi nakatulong yun sa akin, di ba?

“Tapos, doon naman sa mga basher na nangba-bash lang for the sake of bashing, siguro ang ano lang, ayoko na kasi ng negative vibes, e.

"Pero I also thank them kasi, you know, kailangan ang mindset ng leader kasi should always be constructive. So, you should always see things in a way na dapat nag-i-improve ka kapag nabasa mo ang isang bagay, ‘no?

"So, yung mga pag-bash sa akin, actually, kahit nakakainis siya, nakakasakit ng damdamin, ang interpretation ko doon ay may pagkukulang pa ako bilang isang leader.

Continue reading below ↓

"Kaya kailangan ko pang paghusayan ang aking trabaho para ma-overcome natin yung ganung criticisms at gumanda naman ang puna ng mga tao tungkol sa akin.

"So, actually, wala naman akong sama ng loob doon sa mga basher. Nakatulong actually sila sa akin.”

Ayon kay Mayor Joy, ang biggest achievement niya bilang mayor ng Quezon City ay "tibay ng loob."

Rason niya, “Kasi, kung hindi po matibay ang loob natin baka hindi natin nalampasan yung mga paninira o kaya yung pagpupuna ng masasakit sa akin.

“Pero tingin ko iyan ang greatest achievement ko dahil matibay ang loob ko noon at ginamit ko bilang sandata para matugunan ang lahat ng paghamon.

“Tingin ko ngayon, kahit na anong krisis ang ibato mo sa akin, kakayanin ko na po siya.”

Batay sa isang survey, ang Quezon City na ang pinakamayamang siyudad sa buong Metro Manila.

Kaugnay nito, may mga nagsasabing vindicated si Mayor Joy sa alegasyon ng maanomalyang paggamit ng pondo ng Quezon City government ngayong panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Ang nag-akusa sa kanya ay si Congressman Mike Defensor, na tumatakbo ngayong mayor ng Quezon City.

Si Defensor din ang isa sa mga pangunahing umusig sa mga kinatawan ng ABS-CBN, partikular na ang top executives nito, sa ginawang pagdinig sa Kongreso kaugnay ng franchise renewal application ng network.

Reaksiyon dito ni Mayor Joy, “Una, wala naman talagang isyu. Ginawan lang niya ako ng isyu. Because I don’t recall having done anything in my life na puwedeng gawing isyu.

"And I think that was a very short-lived na issue kasi kaagad naman niyang nasagot iyan ng Commission on Audit. Pero nire-resurrect lang nang nire-resurrect.

“Actually, hindi po ako apektado. Kasi alam ko na yung katotohanan ay nasa panig ko. At maging ang mga institusyon ng pamahalaan kung tatanawin ninyo naman ay nagbigay na ng kanilang pagpasya patungkol sa isyu na iyan.

“And there’s nothing more to discuss pertaining to that issue. It’s over and done with. It’s been resolved.

Continue reading below ↓

"At kung binubuhay nila iyan, that only means na wala nang ibang mapuna tungkol sa atin. And that’s good. Good news yun na wala na siyang mapuna because madaling sagutin ang isyu na iyan,” diin pa ni Mayor Joy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Mayor Joy Belmonte: "Kung hindi po matibay ang loob natin baka hindi natin nalampasan yung mga paninira o kaya yung pagpupuna ng masasakit sa akin. Pero tingin ko iyan ang greatest achievement ko dahil matibay ang loob ko noon at ginamit ko bilang sandata para matugunan ang lahat ng paghamon. Tingin ko ngayon, kahit na anong krisis ang ibato mo sa akin, kakayanin ko na po siya."
PHOTO/S: QC Mayor Joy Belmonte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results