Watch Now

Manny Pacquiao’s P100-M cyber libel complaint vs Apollo Quiboloy junked

by Arniel C. Serato
Feb 15, 2022
Manny Pacquiao's P100-M cyberlibel complaint dismissed
The Makati City Prosecutor’s Office has dismissed the P100-M cyberlibel complaint filed by presidential aspirant and Senator Manny Pacquiao (left) against Kingdom of Jesus Christ’s Pastor Apollo Quiboloy (right) for lack of basis.
PHOTO/S: Jerome Ascasno / Pastor Apollo Quiboloy Facebook page

Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong cyber libel na isinampa ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao laban kay Kingdom of Jesus Christ’s Pastor Apollo Quiboloy.

Sa Facebook page ng Sonshine Media Network International (SMNI) kagabi, February 14, inanunsiyo ni Quiboloy ang pagkabasura ng reklamo ng senador. Ang SMNI ay ang pag-aaring TV network ni Quiboloy.

Pahayag ni Quiboloy (published as is), "I am happy to announce the dismissal of the cyberlibel case filed by Senator Manny Pacquiao against me.

"The resolution of the City Prosecutors Office of Makati City dismissing the case was dated December 22, 2021, and received by my authorized representative last January 21, 2022.

"Indeed, truth and justice has prevailed."



Ayon sa korte, walang basehan ang reklamo ni Pacquiao na may kaakibat na hiling niyang danyos na PHP100 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa hiwalay na report ng Inquirer.net (published as is): "Complainant [Pacquiao] failed to prove that respondent [Quiboloy] made those statements with knowledge of their falsity or with reckless disregard of whether they were false or not."

Inihain ni Manny ang reklamo sa piskalya noong September 14, 2021.

Ayon pa sa mamababatas, grabe ang perhuwisyong ginawa ni Quiboloy sa pangalan niya dahil sa "fake news" na ikinalat ng kontrobersiyal na pastor.

Ito ay may kaugnayan sa diumano’y PHP3.5 billion na ginastos ng pamahalaan para sa Sports Training Center na ipinagawa ng Pambansang Kamao noong congressman pa ito ng Sarangani Province.

Si Quiboloy ay kilalang malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 13-page sworn affidavit ni Manny, nakasaad na gumamit si Quiboloy ng mga kasinungalingan para sirain ang reputasyon ng isang matapat na public servant.

Reklamo ni Manny, "He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation."

Samantala, wanted ngayon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy at dalawa pang kasapi ng kanyang sekta.

Bunsod ito ng alegasyong sangkot ang pastor sa labor trafficking, kunsaan dinadala sa U.S. ang "church members" na kakongresyon ni Quiboloy gamit ang mga pekeng visa.

Dagdag pa rito ang alegasyong nagre-recruit umano si Quiboloy ng personal assistants, o "pastorals" kung tawagin niya, na bukod sa nagsisilbi sa kanya ay biktima umano ng sekswal na pang-aabuso niya.

Sinasabing sapilitan din umanong nanghihingi si Quiboloy ng "donations" para sa "bogus charity," ayon pa rin sa wanted order ng FBI.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Makati City Prosecutor’s Office has dismissed the P100-M cyberlibel complaint filed by presidential aspirant and Senator Manny Pacquiao (left) against Kingdom of Jesus Christ’s Pastor Apollo Quiboloy (right) for lack of basis.
PHOTO/S: Jerome Ascasno / Pastor Apollo Quiboloy Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results