Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

by Rachelle Siazon
Feb 16, 2022
Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, JulieVer
Is love in the air between Kapuso stars Rayver Cruz and Julie Anne San Jose? The two have been constantly teasing each other on Instagram. They even have endearments for each other using the pumpkin and spider emojis.
PHOTO/S: CTTO via Twitter

May espesyal na ugnayan ba sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose?

Ito ang tanong ng fans na kinakiligan ang consistent kulitan ng dalawa na tila unti-unting nahahaluan ng lambing sa Instagram.

Latest dito ang low-key pero kilig messages nina Rayver at Julie Anne nitong nagdaang Valentine's Day.

Noong February 14, 2022, nag-post si Rayver ng video niya na naggigitara habang kumakanta ng "Make It With You" ng Bread.

Continue reading below ↓

Tungkol ang kanta sa pagnanais ng lalaking makasama sa buhay ang babaeng minamahal.

Simpleng caption ni Rayver, "Happy Valentine's Day."

Isa sa mga naunang nagkomento sa post ni Rayver ay ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

"Galing galing naman," saad ni Julie Anne kalakip ang white-lined heart at Halloween emojis.

Sumagot si Rayver gamit ang kahawig na heart emoji at isang spider emoji.

"@myjaps hi happy Vday hehe," ani Rayver.

Sabi naman ni Julie Anne kalakip ng pumpkin at heart emojis, "@rayvercruz happy vday."

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz

Continue reading below ↓

Kinilig ang ilang JulieVer o Julie Anne at Rayver fans sa simpleng palitan ng mensahe ng dalawang Kapuso stars.

Panunukso pa ng isa, "umamin na kayo ng makapag pa lechon na ako!"

Juliever

Pero hindi lang ito ang palitan ng mensahe ng dalawa.

RAYVER AND JULIE ANNE CALL EACH OTHER "LITTLE PUMPKIN, SPIDEYness"

Halos isang buwan nang kapansin-pansin ang endearment nila sa isa't isa na "pumpkin" at "spideyness."

Continue reading below ↓

Tila nagsimula ito nang mapansin ni Julie Anne na madalas na orange ang suot na shirt ni Rayver.

Sa IG post ni Rayver noong January 22, nakasuot uli siya ng orange shirt habang kumakanta ng "The Scientist."

Hirit ni Julie Anne, "Nice! Pumpkin yan?"

Reply ni Rayver, "@myjaps hahaha pumpkin boy als."

Balik-sagot ni Julie Anne, "nice one litol pumpkin HAHA."

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

Continue reading below ↓

Mula noon ay tinatawag ni Julie Anne na "litol pumpkin boy" si Rayver.

Minsan ay sinabi pa ni Julie Anne na kahit hindi naka-orange si Rayver "litol pumpkin ka pa din."

Sagot ni Rayver, "yes angkinin ko na yan little pumpkiness."

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

Noong January 28, ginamit naman ni Rayver ang spider at white-lined heart emojis sa reply niya kay Julie Anne

Continue reading below ↓

.

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

Noong February 6, muling nagtawagan ng "pumpkiness" at "spideyness" ang dalawa.

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, JulieVer

Continue reading below ↓

Pakiramdam ng fans ay may meaning kapag may kalakip na heart ang pumpkin at spider emojis nina Rayver at Julie Anne.

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, JulieVer

Madalas mag-usap at mag-asaran ang dalawa sa comments section ng posts ni Rayver.

Very supportive din kasi si Julie Anne sa mga cover songs na ipinu-post ng aktor.

ON AND OFF CAM CLOSENESS

Nagsimulang mapansin ang pagiging malapit nina Rayver, 32, at Julie Anne, 27, nang maging single ang aktor.

Continue reading below ↓

October 2021 nang maghiwalay si Rayver at girlfriend na si Janine Gutierrez.

Sa kaso ni Julie Anne, bukas siya sa pagsasabing close sila ni Rayver na co-host niya sa Kapuso reality search na The Clash.

Co-hosts din sila sa Sunday noontime show na All-Out Sundays.

Maging si Rayver ay bukas din sa pagsasabi na noong una pa lang niya nakasama si Julie sa defunct Kapuso variety show na Studio 7 ay magkasundo na sila.

Tinuturuan daw siya ni Julie Anne sa performances nila.

"Parang nadadala ako kapag kasama ko siya, e. Kailangan mo ring galingan kapag kasama si Juls pati sa paghu-host, e," dagdag ni Rayver sa mediacon ng The Clash noong September 2021.

Pati ang The Clash judge na si Ai-Ai delas Alas ay tinutukso sila, pero nilinaw ng dalawa na sadyang may chemistry lang sila.

"I love Janine," sabi pa noon ni Julie Anne upang idiin na walang malisya sa kanya ang pagiging malapit nila ni Rayver.

Continue reading below ↓

Pero tila iba na ngayon na pareho na silang single at libre nang mahulog ang loob sa isa't isa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is love in the air between Kapuso stars Rayver Cruz and Julie Anne San Jose? The two have been constantly teasing each other on Instagram. They even have endearments for each other using the pumpkin and spider emojis.
PHOTO/S: CTTO via Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results