Rayver Cruz on breakup with Janine Gutierrez: "There was no third party involved, especially from my end."

by Rachelle Siazon
Feb 17, 2022
Rayver Cruz Janine Gutierrez
Four months after his breakup with Janine Gutierrez (right), Rayver Cruz (left) points out, "Pag nagmahal ka...dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit sa mga circumstances na puwedeng mangyari."
PHOTO/S: @rayvercruz / @janinegutierrez Instagram

"Naka-move on na ako."

Ito ang pahayag ni Rayver Cruz, 32, tungkol sa hiwalayan nila ni Janine Gutierrez, 32.

Tinalikuran na raw niya ang mga sakit mula sa nakaraan nitong pagpasok ng taong 2022.

"Okay na ako, e. Naka-move on na ako. 2022 na, e. Masasabi ko na nakaka-move on na ako.

"I'm happy," nakangiting saad ni Rayver.

Sabi pa niya, "Pag nagmahal ka, hindi naman... dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit sa mga circumstances na puwedeng mangyari."

Nakapanayam si Rayver ni Nelson Canlas sa 24 Oras ng GMA-7 noong February 16, 2022.

THE BREAKUP

October 2021 nang mag-break ang longtime couple, at una iyong naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2021.

Ayon sa sources ng PEP.ph, si Janine ang nag-initiate ng breakup, na lubos na ikinalungkot ni Rayver.

Isang source ang nagsabing kawalan ng oras para sa isa't isa ang isang dahilan ng breakup.

Magkaiba ng kinabibilangang TV network sina Rayver at Janine, at pareho rin silang may kani-kaniyang katambal onscreen.

Continue reading below ↓

Leading man ni Janine sa Kapamilya serye si Paulo Avelino, habang katambal naman ni Rayver si Julie Anne San Jose sa Kapuso reality talent show.

Kaya hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon kung may kinalaman ba ang kani-kanilang onscreen partners sa mitsa ng breakup nila.

NO THIRD PARTY

Sa parte ni Rayver, nilinaw nitong walang third party sa hiwalayan nila ni Janine.

"Kinaklaro ko po, there was no third party involved, especially on my end," diin ni Rayver sa panayam ng 24 Oras.

Noong December 2021, nausisa si Janine sa It's Showtime ng Kapamilya Channel kung ipinagpalit ba siya ni Rayver sa ibang babae.

Sumagot naman si Janine na "wala namang ganern."

BUDDING ROMANCE?

Sa mediacon ng serye nina Janine at Paulo na Marry Me, Marry You noong January 2022, tinukso silang hindi malayong magkahulugan sila ng loob.

Bukod sa nagkatambal sa Marry Me, Marry You, inaasahang magkakasama ang dalawa kung matuloy ang out-of-the country tour ng piling Kapamilya stars ngayong first quarter of 2022.

Continue reading below ↓

Game si Paulo na sumagot na, "Ako po, si Janine lang hinihintay lagi."

Panay ngiti lang si Janine hinggil sa isyu.

READ: Janine Gutierrez, Paulo Avelino grilled about rumored romance

Sa kaso nina Julie Anne at Rayver, hindi nakaligtas sa masugid na fans ang kulitan nila sa Instagram, pati na rin ang tawagan nilang "pumpkin" at "spideyness."

May bulung-bulungan ding tila may unawaan na ang dalawa.

READ: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

Pero sa ulat ng PEP Troika nitong February 17, 2022, nakasaad na may sources na malapit sa rumored couple ang nagsasabing wala raw talagang opisyal na relasyon sina Rayver at Julie hanggang ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four months after his breakup with Janine Gutierrez (right), Rayver Cruz (left) points out, "Pag nagmahal ka...dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit sa mga circumstances na puwedeng mangyari."
PHOTO/S: @rayvercruz / @janinegutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results