Watch Now

Trina Candaza hints at issue with Carlo Aquino involving another woman

by Rachelle Siazon
Feb 17, 2022
Trina Candaza Carlo Aquino
"Ibang babae pa iniisip niyan..." Trina Candaza alludes to Carlo Aquino being linked to another woman during their relationship.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram

Nagpahaging muli si Trina Candaza, 25, hinggil sa isyu niya kay Carlo Aquino, 36, na may kinalaman sa pambababae umano ng aktor.

Sa kanyang Instagram Story, Huwebes, February 17, 2022, nag-repost si Trina ng videong nagpapakita ng sakripisyo ng isang ina sa pag-alaga ng isang sanggol.

Ipinakita roon na between 9:40 p.m. hanggang 3:41 a.m., pagising-gising ang ina para magpadede o magpatahan kapag umiiyak ang bata.

Naka-relate raw si Trina. May anak ito sa ex-boyfriend na si Carlo. Two years and five months old si Baby Mithi ngayon.

Ayon kay Trina: "Same age kay Mithi yung baby

"8x gumising yung mom to feed the baby

"Kaya sa mga nag tatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na."

Sabay humirit si Trina tungkol sa mga tatay na walang kahirap-hirap sa pag-aalaga ng bata, pagkatapos ay may ibang babae pang iniisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Trina, "yung tatay ang himbing lang ng tulog tas pag gising ibang babae pa iniisip niyan."

Nilagyan pa ni Trina ang dulo ng written text ng smiley-with-tongue-sticking-out emoji.

Trina Candaza Carlo Aquino

TRINA'S CRYPTIC POSTS ABOUT THIRD PARTY

Hindi ito ang unang pagkakataong nagparinig si Trina tungkol sa diumano'y pagkakaugnay ni Carlo sa ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una siyang nagpahiwatig ng breakup nila ni Carlo, nagsabi si Trina na nang umalis siya sa bahay ni Carlo, napag-alaman niyang may pinuntahan raw na ibang babae ang aktor.

"Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago," dagdag na pahaging pa ni Trina sa kanyang Facebook post noong January 28, 2022.

Kinabukasan, January 29, malaman pa rin ang mensahe sa IG Story ni Trina.

May ni-repost siyang video na may prosa ng isang babaeng na-gaslight o pinalabas na walang basehan ang isyu laban sa karelasyon.

Bahagi ng prosang iyon: "But was she toxic before you lied to her about another female?

"Was she toxic before you took advantage of the trust she had for you?

"Was she toxic before she kept forgiving you for hurting her over and over again?"

Trina Candaza Carlo Aquino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi pa sa prosa na naubos na raw ang babae dahil paulit-ulit na lang itong niloloko ng karelasyon.

Kung pagbabatayan ang mga naturang linya, tila naglalabas na ng kanyang tunay na nararamdaman at kasalukuyang sitwasyon ang girlfriend at ina ng anak ni Carlo.

Tugma rin ito sa mga binitiwang salita ni Trina sa kanyang YouTube vlog noong November 2021.

"Di ko ikakaila. Talagang marami kaming pinag-awayan din. Lalo na sa girls," natatawang rebelasyon pa noon ni Trina.

Nasabi rin ni Trina na ilang beses na silang muntik maghiwalay ni Carlo, pero naayos din nila agad ang kanilang problema.

TRINA MOVES OUT OF CARLO'S HOME

Hanggang sa nito ngang January 2022, tuluyan nang umalis si Trina sa bahay ni Carlo.

Bitbit ni Trina ang anak nilang si Mithi.

Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig ni Carlo hinggil sa breakup nila ni Trina.

Liban na lamang sa TikTok video kunsaan kumanta siya ng "Pagsamo," na ang mensahe ng lyrics ay tungkol sa pag-ibig na nauwi sa kabiguan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ibang babae pa iniisip niyan..." Trina Candaza alludes to Carlo Aquino being linked to another woman during their relationship.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results