Watch Now

Aljur Abrenica on Leyte trip with AJ Raval: "Trabaho po yun."

by Arniel C. Serato
Feb 17, 2022
Aljur Abrenica reveals reason of his Leyte trip with AJ Raval
Aljur Abrenica on Leyte trip with rumored girlfriend AJ Raval: “Yung kumakalat sa balita, yung hotel nga, di nga kami nag-stay dun, e... trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives."
PHOTO/S: Zoom / Haiyan Hotel and Resort on Facebook

Nagkataon lang daw na Valentine’s Day ang imbitasyon ng isang lokal na kooperatiba sa Leyte kay Aljur Abrenica at rumored girlfriend na si AJ Raval.

Ito ang paglilinaw ng aktor nang matanong tungkol sa mga lumabas na larawan nila ni AJ na ipinost ng isang hotel-resort sa Tanauan, Leyte, noong mismong Araw ng mga Puso, February 14, 2022.

Lahad ni Aljur, “We were invited sa mga kooperatiba, sa mga cooperatives, sa mga power plants dun, sa DORELCO sa may Leyte, oo.

“Kasi meron silang ipinaglalaban, lahat naman sila may ipinaglalaban.

“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station.”

Nag-viral ang post ng Haiyan Hotel and Resort noong February 14 tungkol sa pagdating nina Aljur at AJ sa kanilang lugar.

Ayon kay Aljur, hindi tama ang konteksto ng post ng hotel-resort sa Tanauan dahil tila ipinalabas na ilang araw silang nag-stay roon.

Sabi niya, “Yung kumakalat sa balita, yung hotel nga, di nga kami nag-stay dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, wala, trabaho yun, e, pupuntahan ko.”

Pagtutuwid ni Aljur, “Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun 'ta's nagbihis lang to freshen up para sa show.

“Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. 'Tapos picture, 'tapos ang dating parang ilang araw kami dun.

“Hindi [kami nag-stay dun]. Sila lang ang gumagawa ng drama na 'yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila.

"Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa virtual presscon ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told ngayong hapon ng Huwebes, February 17.

Aljur Abrenica Mamasapano movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAMASAPANO MOVIE

Inspired by true events ang Mamasapano movie na base sa pagpaslang ng mga rebeldeng grupo sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong January 25, 2015.

May bansag na ito ngayong “SAF 44.”

Ayon kay Aljur, hindi biro ang nangyari sa SAF 44 base na rin sa paggawa nila ng pelikula.

Aniya, “Nahirapan ako para sa kanila, sa ginagampanan namin.

"Kasi hindi biro yung pinagdaanan at sinapit nila dun sa Mamasapano dahil binuwis nila yung buhay nila, para sa bayan nila. Tapos ang sinapit nila, wala pang hustiya.

“Para sa akin, in our own little ways, kapag nakakita ako ng sundalo, I always give them my respect. And hinahangaan ko sila dahil... I always let them know na, make them feel na... kasi they are really important sa bansa natin.

“Sila yung reason kung bakit tayo nagkakaroon ng kapayapaan, especially dito sa Maynila.”

Hindi raw niya naisip paano nakipaglaban ang mga nasawing kapulisan sa hirap ng kanilang pinagdaanan noong in-ambush sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Aljur, “Sa action, yeah, mahirap siya. Kasi yung sa amin nga, yung mga suot nga namin, yung uniporme namin halos totoo na, ang bigat, hindi pa nandun, e, yung mga vests.

“So, imagine yung pinagdaanan nila, yung engkuwentro na yun, a couple of days, from madaling-araw. Hindi madali yung mga pisikal na pinagdaanan nila, which is kami nga, ganun lang yung suot pero talagang nahihirapan kami.”

Bukod kay Aljur, kasama rin sa pelikula sina Edu Manzano, Paolo Gumabao, Gerald Santos, Juan Rodrigo, Alan Paule, Rez Cortez, Ritz Azul, Rey PJ Abellana, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Marcus Emem, Rico Barrera, at Claudine Barretto.

Ito ay handog ng Borracho Film Productions ni Atty Ferdinand Topacio. Kasalukuyang nasa post-production stage ang pelikula.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on Leyte trip with rumored girlfriend AJ Raval: “Yung kumakalat sa balita, yung hotel nga, di nga kami nag-stay dun, e... trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives."
PHOTO/S: Zoom / Haiyan Hotel and Resort on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results