Janine Gutierrez, Paulo Avelino spotted in Palawan with Cherry Pie Picache, Edu Manzano

by Rachelle Siazon
Feb 19, 2022
Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Palawan
Janine Gutierez and Paulo Avelino taking a vacation in Palawan with real-life couple Cherry Pie Picache and Edu Manzano keep netizens guessing about real score between them.
PHOTO/S: Abehsuanga Travel and Tours / Q Transport Services Coron-Busuanga Palawan (Janine inset) Facebook

Natuloy na ba sa totohanan ang magandang pagtitinginan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino?

Ito ang tanong ng netizens nang mamataang magkasama ang dalawa sa bakasyon sa Palawan.

Kumalat sa social media ang dalawang litrato mula sa island-hopping tour nila sa Palawan noong January 2022.

Kasama nila ang real-life couple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano, pati ang anak ni Cherry Pie na si Nio.

Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Janine Gutierrez,

Continue reading below ↓

Nai-post ang picture ng kanilang grupo sa Facebook page ng tour boat na sinakyan nila sa kanilang island-hopping.

Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, Edu Manzano

May petsa iyong January 12, 2022.

Co-stars nina Janine at Paulo sina Cherry Pie at Edu sa nagwakas nang teleserye na Marry Me, Marry You.

Bukod sa island-hopping pictures, may kuha rin si Janine sa Q Transport Services Facebook page noong January 21, 2022.

Continue reading below ↓

Sa parehong transport service FB page noon ding araw na iyon ay may hiwalay na photo sina Cherry Pie at Edu.

Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Janine Gutierrez

May petsa iyong January 19, 2022.

NETIZENS' REACTIONS

Noon pang huling bahagi ng 2021 natapos ang lock-in taping ng Marry Me, Marry You, ang Kapamilya prime-time series na pinagbidahan nina Janine at Paulo.

Continue reading below ↓

Kaya malinaw na personal trip ang nakitang bakasyon ng dalawa kasama sina Cherry Pie at Edu.

Isang fan nina Paulo at Janine ang nag-repost ng photos sa Instagram.

Kinilig ang iba pang commenters nang makita ang litrato nina Paulo at Janine, na tila ka-double date daw sina Cherry Pie at Edu.

Pansin nila, nakadantay ang kamay ni Paulo sa kaliwang hita ni Janine.

Tingin nila, senyales iyon ng pagkakakilanlan ng dalawa.

Paunine

Continue reading below ↓

Pinuna rin ng ibang commenters na ang suot ni Janine na tie-dyed button-down shirt ay kapareho raw ng shirt na suot ni Paulo sa mediacon ng Marry, Marry You noong November 2021.

Kung babalikan ang naturang mediacon, tila kapareho nga ng top ni Paulo ang suot na top ni Janine sa island-hopping nila sa Palawan.

Paunine, Paulo Avelino, Janine Gutierrez

Continue reading below ↓

Paunine, Paulo Avelino, Janine Gutierrez

evasive about real score between them

Ayon sa showbiz insiders, nagkakamabutihan na sina Janine at Paulo.

Pero todo-iwas pa rin ang dalawa sa tuwing natatanong kung may espesyal na unawaan na sila ngayon.

Read: Janine Gutierrez, Paulo Avelino grilled about rumored romance

Panay tawa lang si Janine, habang pa-safe rin si Paulo nang tanungin sila ni Darla Sauler kagabi, February 18, 2022.

Continue reading below ↓

Humarap kasi ang dalawa sa "Kilig Match" fundraising virtual kuwentuhan ng Kapamilya Channel para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Hindi man nila diretsahang sinagot ang real score sa kanila, inamin ni Janine na tuloy ang komunikasyon nila ni Paulo kahit tapos na ang Marry Me, Marry You.

Sabi ni Janine, "Hindi naman kami taping friends lang na tipong pagkatapos ng trabaho ay di na mag-uusap or di na magkikita."

Natatawang dugtong ni Paulo, "Meron kaming group chat sa Marry Me, Marry You—mga lima. Yung isa mga ayaw naming tao, yung isa walang kasamang staff, yung isa PieDu lang, yung isa kasama lahat."

Read: Paulo Avelino, Janine Gutierrez reveal going on a date twice

VALENTINE'S GIFT FOR EACH OTHER?

Pasimple naman silang tinanong kung may kasama ba silang nag-Valentine's Day.

Nasa trabaho raw si Janine, habang si Paulo ay nag-gym at nanood ng Oscar-nominated films.

Pero inamin ni Paulo na may pinadalhan siya ng pa-Valentine surprise.

Continue reading below ↓

"Meron, pero para tahimik lang ang buhay natin, huwag natin ipaalam sa buong Pilipinas," ani Paulo na hindi binanggit kung sino ang babaeng pinadalhan niya.

May natanggap ba si Janine?

"Meron siyempre," sagot ni Janine, na hindi rin binanggit kung kanino galing ang natanggap niyang regalo o surprise.

paulo hopes janine's siblings approve of him

May mga simpleng hirit naman si Paulo tungkol sa kanila ni Janine.

Tinanong kasi si Paulo kung na-meet na niya ang pamilya ni Janine liban sa pagkikita ng mga ito sa ASAP Natin 'To. Tulad ni Janine ay ASAP mainstay rin kasi ang kapatid ng aktres na si Diego Gutierrez.

Sagot muna ni Paulo, "Well, si Sir Monch never ko pa naka-work. Si Ms. Lot lagi ko nakaka-work."

"Yung mga kapatid ko," masuyong banggit ni Janine kay Paulo.

Sang-ayon ni Paulo, "Yeah, na-meet ko na sila. And sana gusto nila ako, pero hindi ako makakapagsalita para run."

Continue reading below ↓

Si Janine ay anak ng mga artista ring sina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierez and Paulo Avelino taking a vacation in Palawan with real-life couple Cherry Pie Picache and Edu Manzano keep netizens guessing about real score between them.
PHOTO/S: Abehsuanga Travel and Tours / Q Transport Services Coron-Busuanga Palawan (Janine inset) Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results