AJ Raval answers bashers telling her "maghubad ka na lang"; reacts to "Kylie is the legal wife" post

by Rachelle Siazon
Feb 20, 2022
AJ Raval Aljur Abrenica
Amid criticisms, AJ Raval posts video with Aljur Abrenica (inset) where they are seen frolicking at the beach. Aljur's estranged wife Kylie Padilla likes AJ and Aljur's video, as if to show that she has nothing against the rumored couple.
PHOTO/S: @ajravsss / @ajabrenica Instagram

Nanumbalik ang pagiging palaban ni AJ Raval, 21, sa bashers na pinupuntirya siya matapos maungkat ang ugnayan nila ni Aljur Abrenica, 31.

Namataan kasing magkasama ang dalawa sa Leyte noong Valentine's Day.

Nitong Sabado, February 19, 2022, hinamon ni AJ ang bashers na ibato sa kanya ang pinakamasasakit na salita kung ito raw ang magpapasaya sa mga ito.

"Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba.

"Welcome sa lahat ng bashers comment lang kayo.

"feel free to bash don’t be shy ilabas nyo yang galit nyo na makakatulong sa buhay nyo at sa ika uunlad ng pilipinas," saad ni AJ sa kanyang Facebook post, published as is.

AJ Raval

Kumagat ang ilang detractors ni AJ.

"Maghubad ka na lang Aj Raval. Di pede sau topic na pang matalino," panghuhusga ng isang basher sa sexy actress.

Tila tinutukoy ng basher ang daring movies ni AJ kunsaan mayroon itong mga maseselang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarkastikong sagot ni AJ, "TAMA!!!!!"

AJ Raval, Aljur Abrenica

NETIZEN REMINDS AJ THAT "KYLIE IS THE LEGAL WIFE"

Isa pang netizen ang nag-post sa comments section ng litrato ng estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

May caption ito na "the legal," na waring pinaalalahanan si AJ na legal pa ring kasal si Aljur kay Kylie. May dalawang anak ang estranged couple.

Tatlong heart emojis lamang ang sagot ni AJ dito.

AJ Raval, Aljur Abrenica, Kylie Padilla

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagpadala rin ng iba pang maaanghang na salita kay AJ.

Kaya raw nasabi ni AJ na "bobo" ang mga hindi umiintindi sa sitwasyon ng iba ay dahil iyon ang "LINYAHAN NG MGA BABAENG GUILTY AT WALA MAIDAHILAN."

Hindi pa rin nagpatinag si AJ na ang sabi lang ay "nakakaiyak huhu."

AJ Raval, Aljur Abrenica

May isa namang netizen ang nagpayo kay AJ na huwag nang makipagrelasyon kay Aljur dahil pamilyado na ito.

Bata pa raw si AJ at marami pang makikilang magmamahal sa kanya nang lubos.

Pakiramdam ng netizen, gagamitin lamang daw ni Aljur si AJ.

"Babasahin ko sana kaso ang haba," sarkastikong sagot uli ni AJ.

AJ Raval, Aljur Abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aj posts beach video with aljur

Malinaw na karamihan sa kritiko ni AJ na nagkomento sa kanyang FB post ay diskumpiyado sa patuloy na pagkakaugnay ng sexy star kay Aljur.

Pero hindi talaga nagpatalo si AJ.

Sa kanyang hiwalay na Instagram post, nagbahagi siya ng video clip ng isang babaeng binuhat nang walang kahirap-hirap ng isang lalake habang sila ay nasa tabing-dagat.

Shadow lamang ng babae at lalake ang makikita sa video, pero naka-tag sa post si Aljur.

Aljur Abrenica, AJ Raval

Kakatwang nag-like sa post ni AJ ang mismong estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

aj raval kylie padilla

Minsan nang nilinaw ni Kylie na nang maghiwalay sila ni Aljur noong April 2021 ay nagkasundo silang okay lang sa kanilang magkaroon na sila ng kani-kanilang bagong pag-ibig.

Read Kylie Padilla on AJ Raval being bashed because of romance with Aljur Abrenica: "I actually wanted to talk to her."

Naghayag din ng suporta kay AJ ang ilan niyang fans.

Sana raw ay maging masaya si AJ kay Aljur, at huwag na lang pansinin ng aktres ang mga bumabatikos sa kanya.

aljur abrenica, aj raval

aljur abrenica, aj raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aljur abrenica, aj raval

WHAT ALJUR SAID ABOUT SIGHTING WITH AJ

Sa kabilang banda, una nang nagsalita si Aljur hinggil sa sighting sa kanila ni AJ sa isang lobby ng hotel sa Leyte noong Valentine's Day.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa mediacon ng Mamasapano: Now It Can Be Told noong February 17.

Depensa ni Aljur, hindi sila nagpunta roon para magbakasyon kundi para suportahan ang isang kooperatiba na nag-imbita sa kanila sa lugar.

"Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ta's nagbihis lang to freshen up para sa show.

"Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Tapos picture, tapos ang dating parang ilang araw kami dun.

"Sila lang ang gumagawa ng drama na 'yan," pagtutuwid ni Aljur.

Read: Aljur Abrenica on Leyte trip with AJ Raval: "Trabaho po yun."

October 2021 nang aminin ni AJ sa PEP.ph na nanliligaw sa kanya si Aljur.

Kasunod niyon ay kumalat ang mga litrato nilang magka-holding hands sa mall, pati na rin ang pagbisita ni Aljur sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Nabatikos nang husto sina AJ at Aljur noon.

Nang humarap si AJ sa PEP Live nitong January 13, 2022, pahapyaw niyang nabanggit na may komunikasyon sila ni Aljur, pero idiniin niyang hindi sila magkarelasyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid criticisms, AJ Raval posts video with Aljur Abrenica (inset) where they are seen frolicking at the beach. Aljur's estranged wife Kylie Padilla likes AJ and Aljur's video, as if to show that she has nothing against the rumored couple.
PHOTO/S: @ajravsss / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results